Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DEBOSYON NI SANTO PAPA KAY ST. JOSEPH

$
0
0

NABANGGIT ni Pope Francis sa meeting with the families sa SM MOA Arena na malapit siya kay Saint Joseph.

Pero ano ibig-sabihin ni Papa Kiko nung sinabi niya na ‘pag meron siyang problema ay sinusulat niya ito sa maliit na papel at linalagay sa ilalim ng imahen ni San Jose?

Ipinauubaya na raw niya kay Saint Joseph ang solusyon sa kanyang problema.

Para sa mga hindi pamilyar sa practice na ito ng mga religious: mga madre at kaparian … ito ang tinuro sa akin ng aking spiritual director, Msgr. Josefino S. Ramirez.

“Pag may problema kayo, lalo na ‘yung may kinalaman sa pag-provide o financial – kay Saint Joseph kayo lumapit. Isulat ninyo sa papel at ilagay sa ilalim ng statue niya. Siguradong answered prayer ‘yan.”

Ganito raw ang gawain ng mga pari at madre ‘pag kailangan nila ng pondo pambili ng mga lupa o pantayo ng simbahan, seminaryo o kumbento.

Pati si Mother Teresa ng Calcutta ay nagpatunay sa gawaing ito, pati para sa kanilang mga pang-araw-araw na gastusin sa Sisters of Charity.

Minsan nga raw, sa tagal na masagot ang kanilang hinihiling ay itinalikod daw niya ang statwa ni St. Joseph na nasa kanyang mesa kasi nagtatampo raw siya, at saka lang hinarap ulit noong ito ay matugunan na.

Si Monsi Pepe naman daw ay nasa Saint Joseph’s Oratory of Mount Royal sa Canada, kasama ang mga “Alagad ni Maria”, nang ilagay niya ang kanilang petisyon kay San Jose para sa kailangan nilang itayo na seminary ng Alagad ni Maria sa Quezon Province.

Meron daw harang na tali para ‘di makalapit sa malaking statwa ni San Jose kaya ang ginawa nila ay tinyempuhan noong walang bantay at inangat ng ibang pari ang mabigat na statwa para malagay ni Monsi Pepe ang papel sa ilalim.

Ngayon, meron na rin silang seminaryo sa Antipolo dahil sa intercession ni Saint Joseph.

Kami rin ay maraming patutuo sa debosyong ito kay San Jose pero kukulangin ang mga pahinang ito.

Minsan, may kliyente ang misis ko na ilang taon nang hindi nakababayad ng mahigit P200,000.

Hiningi ko ang delivery receipt, billing, at demand letter at nilagay lahat ito sa ilalim ng imahen namin ni St. Joseph sa bahay.

Sa loob ng dalawang buwan lamang ay bayad na ang lahat ng utang.

Kaya kung meron kayong problema o pangangailangan, subukan n’yo lumapit kay Saint Joseph.

Hindi naman siguro kayo lolokohin ng Santo Papa, ‘di ba? ABISO/PAUL EDWARD SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>