Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG KARANASANG POPE FRANCIS

$
0
0

ANG limang araw na pagbisita ni Pope Francis ay matagal magiging laman ng usap-usapan, lalo na ng anim na milyong katao, batay sa kalkulasyon ng Metro Manila Development Authority, na hindi alintana ang patuloy na pagbagsak ng ulan dulot ng bagyong “Amang” para makadalo sa Misa ng Santo Papa sa Quirino Grandstand sa Luneta noong Linggo.

Paano natin malilimutan ang makapal na bilang ng tao sa kahabaan ng Roxas Blvd. mula Cultural Center of the Philippines sa Pasay City hanggang sa Luneta, bukod pa sa libo-libong naglalakad sa mga kalye at tulay na ilang kilometro ang layo, na pawang papunta rin sa Rizal Park?

Para sa mayorya ng ating mga kababayan, ang karanasan ay kagila-gilalas.

Sa katunayan, ang mga tao mula sa iba’t ibang antas ng buhay ay dumagsa sa mga lugar na binisita ni Pope Francis, panatag na naghihintay sa mga kalye na daraanan ng kanyang motorcade mula nang dumating siya sa paliparan noong Huwebes. Ang Misa noong Linggo ang pagwawakas ng mga aktibidad ng kanyang pagbisita sa ating bansa.

Ang pagdalaw ng Santo Papa ay nagbigay rin sa mga Filipino ng tyansa na malaman na si Pope Francis ay tunay na may puso para sa mahihirap, sa mga bata, at para sa mga may espesyal na pangangailangan na kanyang yayakapin, hahagkan at babasbasan kapag nabigyan ng pagkakataon.

Itinuloy pa rin ni Pope Francis ang nakatakda niyang paglipad sa Leyte noong Sabado kahit na masama ang panahon upang makapiling ang mga biktima ng “Yolanda” tulad ng kanyang ipinangako, bagaman kinailangan niyang putulin ang pagbisita matapos balaan ng piloto na may nakaambang peligro habang lumalakas ang bagyong Amang.

Natuklasan din natin na pwedeng ipakita ng mga Katolikong deboto ang lakas ng kanilang pananampalataya nang hindi nagtutulakan at nagyayapakan na madalas nakikita sa prusisyon sa taunang Pista ng Itim na Nazareno.

Oo, ang ating mga deboto ay pwede naman palang madisiplina at matutong sumunod sa mga alituntunin tulad nang nakita sa limang araw na pagbisita ni Pope Francis. Depende lang pala ito sa mga awtoridad na nangangasiwa sa okasyon.

Kapag ngumingiti si Pope Francis ay hindi maaaring hindi mapuna ang tunay niyang sinseridad na umaabot sa mga tao, na akma lang sa pinuno ng Simbahang Katoliko. Pero may mga pagkakataon na ang Santo Papa ay mukhang malungkot, kaya may mga nag-akala na maaaring iniisip nito ang mga hindi inaasahang naganap sa kanyang pagbisita.

Ito ba ay dahil pinasaringan ni President Aquino ang mga lokal na pari at obispo sa kanyang harapan, dahil sa kanilang pananahimik kaugnay ng mga isyu sa termino ni President Arroyo, at ginawa pang biro ang madalang niyang buhok? O bunga kaya ito ng mga problema na patuloy na kinahaharap ng bansa kaugnay ng korapsyon at kahirapan?

Nasaktan ba ang Papa nang makita na ginamit ng ilang vendor ang kanyang pagbisita upang ibenta ang lahat ng pwedeng ibenta mula sa mga key chain hanggang sa mga T-shirt na nakalagay ang kanyang pangalan at larawan? Ang ibang garapal na politiko ay inilagay pa ang kanilang larawan sa tabi ni Pope Francis sa mga tarpaulin.

Napag-alaman kaya ni Santo Papa na ang ilang paring Katoliko at Protestante na may banner na nanawagan kay Pope Francis na tulungan sila laban sa korapsyon ay pinigilan na makita ang kanyang motorcade, o may pari na hindi pinayagang makadalo sa aktibidad ng Papa dahil nagsalita siya noon sa aksyon ng gobyerno sa mga biktima ng Yolanda?

Totoong ang pagbisita ng Santo Papa ay hindi malilimutan ng mga Filipino na nakadamang nabasbasan sila ng kanyang presensya. Gayun-din naman ito kay Pope Francis na nakasulyap sa mga problema na bumabagabag sa bansa sa kabila ng lahat ng kasiyahan na ipinakita sa kanya.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.