Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LORD, GRABE NAMAN SILA KUNG MAKAHUSGA

$
0
0

HINDI po natin talaga maiiwasan na meron mga feeling self-righteous kahit sa panahon na halos buong bansa na ang nagdiriwang sa pagbisita ng Santo Papa.

Ganu’n lang po talaga sila, hard-sell. Tipong sila lang ang tama.

Pero, tanungin natin ang sambayanan kung nakikitaan ba natin ng pagmamahal ang mga taong ito?

Ito kasi ang buod ng mensahe ng Diyos sa atin. At kung, hindi natin ito sinusunod o isinasabuhay … teka, baka maling ispiritu na ang ating masigasig na ibinubukang-bibig?

Pansinin ninyo at pagnilayan … karamihan sa mga Katoliko, at kahit ang ibang sekta, ay hindi umiimik laban sa mga pananampalataya ng iba.

Iyan kasi ang turo … huwag maghusga ng kapwa. Hindi lang talaga natin maalis sa bawat relihiyon o sekta, na may mga pasaway … mga extremist … mga terorista. Kahit sa mga Katoliko meron din, ‘di ba?

* * * * * * *

Sabihin na natin na kami ang mali, at kayo ang tama – siguro naman, papatawarin kami ng mapagpatawad na Diyos dahil sa kami ay nagkulang. Eh, paano naman kung sila ang mali?

Mapapatawad ba sila basta-basta na lamang ng Diyos sa kanilang pang-iinsulto at pambabastos sa kanyang Mahal na Ina at sa kanyang ibinilin na Ama ng simbahan?

Malaki po ang kaibahan ng sin of omission sa sin of commission. Ang sa amin ay pagkukulang dala ng sobrang pagmamahal.

Samantalang ang sa iba ay agresibong panghuhusga at pangungutya para sa sarili niyang ina.

Hindi ba nakasaad sa Bibliya na “Honor thy father and thy mother”? Eh, ‘di kung galing sa Diyos ang commandment na ito, natural, inaasahan niya na dapat nating i-honor ang kanyang sariling ina? Tama po ba?

Kaya sana po, respetuhin na lamang natin ang paniniwala ng bawat isa. Tutal, malalaman lang naman talaga natin kung sino ang tama sa atin kapag tayo ay namatay na at nakaharap na sa “God of Justice.”

Ipaubaya na sana nila sa aming mga Katoliko ang kagalakan na mabisita ng aming Santo Papa. Ganun din naman kasi ang ibinibigay naming respeto at pag-iintindi sa kanilang mga gawaing pang-ispiritwal.

* * * * * * *

Hindi ba kapag may problema tayo sa batas at tayo ay kinakasuhan, eh, sa abogado tayo lumalapit?

Walong taon kasi nilang pinag-aralan ‘yang kursong abogasya. Sila ang eksperto riyan, ‘di ba?

Kapag tayo naman ay may problema sa kalusugan at may sakit, eh, sa doktor tayo lumalapit. Mga 10 taon kasi nilang pinag-aralan ang kursong medisina at sila ang eksperto riyan.

Eh, bakit kung tayo ay may suliraning espiritwal, eh, kung kani-kanino lang tayo lumalapit at nagpapaniwala?

Bakit du’n lamang sa ilang taon pa lang nagbasa ng Bibliya at pinangangalandakan na eksperto na sila?

Hindi ba dapat, mas magtiwala tayo roon sa mga pari na inaral ang kagustuhan ng Diyos ng mga 10 taon o mahigit? Hindi ba sila ang mas eksperto riyan? ABISO/PAUL EDWARD SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>