Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALA NGA BANG SAGOT?

$
0
0

NAANTIG ang lahat ng nakarinig sa tanong ng isang bata kay Pope Francis. Ang bata ay dating street child at nabigyan ng pagkakataon na makapagtanong sa Papa.

Ang tanong niya, bakit pinapayagan ng Diyos na masangkot sa mga krimen ang mga bata tulad ng illegal drugs at prostitusyon? Sa parteng sinabi niya na wala namang kasalanan ang mga bata, napahagulgol na siya.

Niyakap siya ni Pope Francis at inalo. Walang sagot si Pope Francis sa maraming tanong ng mga mahihirap. Sabi niya, tulad ng mga taga-Tacloban na namatayan ng mga mahal sa buhay na nagtatanong kung bakit pinayagan ng Diyos ang kanilang paghihirap.

Wala siyang sagot. Pero ang sabi niya ay may sagot si Hesus.

Hindi man tahasan na sinabi ni Pope Francis, alam natin na ang karamihan sa mga problema ng mga bata ay maaaring dahil sa pagkawasak ng pamilya.

Kaya sa kanyang pagbisita, pinahalagahan ni Pope Francis ang moog ng pamilya. At sa mga nagdadalamhati sa Tacloban at sa iba pang lugar sa bansa na hinagupit ng mga kalamidad, ang payo niya: Maging tahimik. Silence in your heart. Sa katahimikan natin maririnig ang mga salita ng Panginoon.

Ang sabi ng Papa, alam ni Hesus ang paghihirap ng ating mga kababayan dahil mismong ang anak ng Diyos ay dumanas ng paghihirap sa lupa.

Ang sabi pa ng Papa, tumawag sa ating ina. Tulad ni Hesus, sa panahon ng paghihinagpis niya ay sa kanyang ina kumanlong.

Walang sagot si Pope Francis sa mga mahihirap na tanong tungkol sa krimen at kalamidad pero sa ilang araw na pamamalagi niya kasama natin, ay itinuro niya ang daan para matagpuan natin ang mga sagot sa marami sa ating mga katanungan.

Iginiya niya tayo para matunghayan natin ang mga sagot na ating hinahanap.

Napakaraming iniwan na sagot si Pope Francis sa marami sa ating mga tanong, kung matututo lang tayong gawing tahimik ang ating puso at isipan ay maririnig natin ang mga sagot na ito.

Pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.

o0o
Mag-email ng reaksyon at opinion sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>