Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

P40B SA BAGONG OSPITAL, MGA MAHIHIRAP PAANO?

$
0
0

MAGANDA ang balakin ng pamahalaan na gawing tuloy-tuloy ang pagpapaunlad at pagtatayo ng mga ospital at iba pang pasilidad para matiyak ang magandang kalusugan ng mga Pinoy.

Ayon sa Department of Health, may 20 malalaking ospital ang gobyerno na kailangang maging makabago o moderno at bawat ospital ay gagastusan ng nasa P2-bilyon o kabuuang P40B.

Kasama na rin dito ang pagtatayo, halimbawa, ng mga pasilidad para sa ‘research’ o pag-aaral laban sa kanser at paggawa ng mga bakuna.

Sinabi ng DOH na gagawing pantay-pantay ang kakayahan ng lahat ng mga ospital upang hindi na lalayo pa ang mga mamamayan para sa kanilang pagpapagamot.

Kung hindi man magagawa ang lahat ng ito ng kasalukuyang administrasyon, maaaring itutuloy na lang ang mga ito ng mga darating pang iba.

NASIMULAN NA

Ayon sa DOH, napasimulan na ang pagbabago sa mga ospital na ito: Philippine Orthopedic Center; Bicol Medical Center; Cagayan Valley Medical Center at Cotabato Regional Medical Center.

Itatayo na rin ang pasilidad sa paggawa ng bakuna sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa at tatlong pasilidad laban sa kanser.

Nakalatag na rin ang pagbabago sa Tri-Medical Complex na bubuuin ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center at San Lazaro Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu; Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Bohol; Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City; Region 1 Medical Center sa Dagupan; Western Visayas Medical Center sa Iloilo; Zamboanga City Medical Center; Bicol Regional Teaching and Training Hospital; at pagpapaunlad ng medical arts buildings sa 15 hospitals.

Nakalista rin sa programa ang National Center of Mental Health; Philippine Heart Center (Bicol); National Rehabilitation Medicine Center; Quirino Memorial Medical Center; Lung Center of the Philippines – Hemodialysis, IT (Information Technology) and Aerospace Medicine Projects; Cavite Provincial Hospital (General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital); Caloocan City Medical Center; Dr. Fernando B. Duran Sr. Memorial Hospital (Sorsogon); Eastern Samar Provincial Hospital; Leyte Provincial Hospital; South Cotabato Provincial Hospital; at Surallah District Hospital (South Cotabato).

“SA MANILA”

Kung magagawa ang lahat ng ito, hindi na nga kailangang tumakbo pa sa “Manila” ang mga taga-lalawigan.

Malapit na lang sa mga mamamayan ang nga pintuan ng mga ospital sa kanila at makatitipid nang husto ang mga ito sa kanilang gastusin.

Kung pupunta pa sa “Manila” ang mga taga-lalawigan o libis ng nayon, libo ang gagastusin nila sa pamasahe sa eroplano o barko o bus, o kahit mag-private car pa ang mga ito.

Sa pribadong sasakyan lang, nasa P7,000 na diesel ang mauubos para sa round trip ng Albay-Manila o kaya’y Aparri-Manila.

Eh, kung Zamboanga-Manila o Cotabato-Manila ang biyahe?

Iba pa ang gastos sa board and lodging, kung wala kang kamag-anak sa “Manila.” Pwera pa ang mga pantaksi at lalong pwera ang mga gamot, doktor at silid.

Araykupo, ang sakit niyan, huh!

Kung natodas ka sa “Manila”, nakupo, magdasal ka na dahil mahigit P100,000 ang biyaheng punerarya sa biyaheng Albay-Manila o kaya’y Aparri-Manila lamang.

Sa eroplano naman, nasa minimum na P3,000 ang bayarin para sa iyong bangkay, pwera ang serbisyo ng mga punerarya para sa hatid-sundo sa airport.

MAGANDANG KITA

May mga taga-Britanya at iba pang dayuhang interesado na mamuhunan at makipagpakner sa gobyerno sa nasabing mga proyekto.

Kaiba ito sa mga Public-Private Partnership na sinasalihan na ng mga big time na lokal at dayuhan ding negosyante.

Nangangahulugan, hindi lang sa pagtatayo ng mga gusali sila interesado kundi maging sa mga serbisyo, gamit at gamot.

Sino ba namang negosyante ang hindi maglalaway sa rami ng mga maysakit sa mahal kong Pinas mula sa 100-milyong Pinoy?

At alam ba ninyong sa milyon-milyon na sumalubong kay Pope Francis, ang dami palang maysakit na gustong gumaling.

Sila ang gustong pagkakitaan ng mga lokal at dayuhang negosyante sa kalusugan.
At lalo silang naglaway sa katotohanang halos wala nang libre sa “modernong” ospital sa Pinas.

Sa modernong ospital kasi, bawat hakbang mo papasok sa silid ng ospital, may mahal na bayad mula sa consultation fee hanggang sa mga x-ray, biopsy, sari-saring check-up, ultrasound at iba pa. At tiyak din na magsusulputan ang mga imbestigasyon sa Senado at Kamara sa mga iskam sa paggawa ng mga gusali at pasilidad ng mga ospital dahil sa malaking kita rin dito.

MAGBANTAY

Sa ibang salita, mga Bro, ginagastos at gagastusin ng mga onorabol ang dambuhalang halagang P40B para maging makabago ang mga ospital.

Pawang mga buwis at salaping-bayan ang mga ‘yan.

Bukod sa pagtatayo ng mga napakamamahal na gusali, naririyan din ang mga makina at teknolohiya, gamit medical, gamot at serbisyo na pawang mahal.

Sa tingin kasi ng mga dayuhan at mga lokal na negosyante, 100M na ang Pinoy, gumaganda pa ang kita ng mga ito para magbayad ng buwis at bumili ng mga gamot at serbisyo.

Naririyan ang korapsyon at pagsasamantala. Magbantay-bantay na ang lahat.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>