Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUSUNOD NA SI DINKY KAY ONA

$
0
0

MALAKAS ang bulung-bulungan sa apat na sulok ng Palasyo na anomang oras ay sisibakin na ni Pangulong Noynoy Aquino si Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman.

Na-obliga umano si Noynoy na sipain si Dinky dahil na rin sa sunod-sunod na indulto at kontrobersiya na inaabot ng DSWD dahil na rin sa palpak niyang pamumuno.

Sa halip kasing maging asset ay nagiging liability na si Dinky na isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na sumadsad ang approval at trust rating ng administrasyong Aquino.

Matapos ibunyag ng Commission on Audit (DSWD) na daang bilyong pisong halaga mula sa conditional cash transfer program ng ahensya ang nawawala at iyong iba ay napunta sa mga pekeng beneficiary, sabit na naman ngayon si Dinky sa tinatawag na “family camp” scam.

Noong una ay itinanggi ni Dinky na sadyang itinago ng DSWD ang mga mahihirap at palaboy sa kalsada para hindi makita ni Pope Francis na dumalaw sa bansa kamakailan.

Pero na-obliga siyang umamin nang mabuking na totoo pala ang balita na unang lumabas sa London-based newspaper na Daily Mail.

Subalit kahit buking na ay pilit pa ring ipinagtanggol ni Dinky ang kapalpakan sa pagsasabing ginawa iyon bilang bahagi ng tinawag niyang “family camp workshop.”

Gusto ko lang linawin na hindi ako kontra sa ideya na kahit paano ay matikman ng mahihirap, lalo na ng mga batang palaboy, ang buhay na tinatamasa ng mga may kaya sa lipunan kahit panandalian lang.

Subalit ang hindi ko mapayagan ay ang lihis na layunin nito na itago sila kay Pope Francis na kilalang kumakalinga sa mahihirap, para lang magmukhang gwapo ang administrasyon.

In fairness kay Noynoy, lumalabas na walang go-signal mula sa kanya ang ginawang pagtatago ni Dinky sa mga palaboy sa panahon ng pagbisita ng Santo Papa. At dahil una na nang itinanggi ni Dinky na itinago niya ang mga batang palaboy, kahit ano pang paliwanag ang gawin niya ngayon ay wala nang maniniwala sa kanya.

Hindi rin umano nagustuhan ni Noynoy ang ginawa ni Dinky, kaya bilang paghuhugas-kamay ay bibigyan na niya ito ng graceful exit at sisibakin na rin tulad ng ginawa niya kay Health Sec. Enrique Ona.

Mabuti naman kung totoo na sisibakin na ni Noynoy si Dinky, dahil malaki ang maitutulong ng hakbang na ito para hindi masayang ang anomang goodwill na nakuha ng bansa mula sa pagbisita ni Pope Francis. OPENLINE/BOBBY RICOHEROMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>