NAHIHINTAKUTAN ngayon ang mga tenant sa isang gusali sa The Fort, Taguig. Ito’y dahil sa pagsiklab ng giyera sa pagitan ng magkakasosyong pinagpipitaganang abogado ng “The Firm.”
Ayon sa mga tenant o mga empleyadong pumapasok sa CVC Law Center building sa Burgos Circle sa The Fort, baka maulit ang naganap noon sa nasabing lugar na pagsabog sa Serendra building.
Putok na putok na industriya ng mga abogado ang awayan at hiwalayan ng grupo nina dating Defense Sec. Avelino ‘Nonong’ Cruz at Atty. Arthur ‘Pancho’ Villaraza.
Ayon sa kampo ni Cruz, dahil sa pagmamatigas ni Villaraza, posibleng maulit ang ginawa nitong pagputol sa mga pangunahing pasilidad ng gusali tulad ng kuryente, tubig at pagpapagamit ng elevator.
Ang CVC Law Center ay may 12 palapag. Ang walong palapag nito ay inookupahan ng “The Firm.” At dahil sa ‘hiwalayan’, naghati sila sa tig-apat na palapag.
Ang grupo ni Villaraza ay may sarili nang law firm na Villaraza & Angcangco (VA). Ang majority naman sa “The Firm” ay sumama naman kay Cruz, kabilang sina dating Ombudsman Simeon Marcelo at isa pang senior partner na si Atty. Joe Nathan Tenafrancia (CMT).
May demandahang nangyari sa paghihiwalay ng landas ng The Firm.
Nitong nakalipas na Enero 5, unang araw ng trabaho sa kasalukuyang taon, tatlong araw umanong ginipit ni Villaraza ang grupo ni Cruz sa pamamagitan sa pagputol sa tubig, kuryente at hindi pagpapagamit ng elevator sa kanila.
Sinabi ng kampo ni Cruz, ang ginawang ito ni Villaraza ay mapanganib dahil batid ng marami na LPG ang naging sanhi ng pagsabog sa Serendra Condominum sa The Fort na ikinamatay ng apat katao.
Bukod sa bintang na pananabotahe, pinararatangan na rin si Villaraza ngayon ng kakaibang pag-uugali sa ilang empleyado ng The Firm na naiipit nang husto sa sigalot ng senior partners nito.
Kahit na ang CVC umano ang madalas nakapagbibigay ng kliyente sa The Firm, umupa muna pansamantala ng kanilang opisina si Cruz mula sa katabing gusali habang inaayos pa nang husto ang kanilang tanggapan.
Abangan! KANTO’T SULOK/NATS TABOY