Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG HAPPY ENDING SA MINDANAO

$
0
0

MGA 500 years nang naghahangad ng kalayaan ang mga Muslim at iba pang mga tribu ng Mindanao, Sulu at Palawan subalit sadyang mailap ang kanilang kapalaran.

Nag-umpisa ang kaguluhan matapos mawala sa eksena si Lapu-Lapu ng Mactan at nawalan na rin sa kapangyarihan ang mga sultan, rajah, datu at mga aliping namamahay at aliping mandirigma sa buong archipelago na kung tawagin ngayon ay Pilipinas.

Sa loob ng 300 years ay nasakop ng Espanya ang Luzon at Visayas at mga coastal towns ng Mindanao. Naging matatag ang Sulu datapwat hindi naging ganoon ang sitwasyon sa Palawan at sa Sabah na inangkin na ng Malaysia.

Lalo pang lumala ang sitwasyon nang lusubin ng America at ng mga Hapon ang Mindanao at mga karatig isla, ngunit sa kabila ng mga pangyayari ay hindi maubos-ubos ang mga Muslim na kung tawagin din ay Moro at patuloy silang nakibaka.

Sa kabila ng kayraming peace treaty sa pagitan ng mga Muslim na pinangunahan ng Sultanate of Sulu at ng mga dayuhang Espanyol at mga Amerikano, tuloy ang patayan sa magkabilang panig.

Umentra naman si Pangulong Ramon Magsaysay. Land for the landless ang sigaw ng mga Huk, naglunsad si Magsaysay ng isang programang binibigyan ng sariling lupa ang mga kasanib na Huk. Ekta-ektaryang lupa sa Palawan at Mindanao, ngunit wala pa ring happy ending.

Nauso ang land grabbing na kasabwat ang mga Kristiyanong politiko at mga settler coming from the Visayas. At wala pa ring sariling lupa ang mga Huk at New People’s Army (NPA).

Nagkaroon ng Moro National Liberation Front (MNLF) at isang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ngunit pinalitan ito ng isang bagong tatag na Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng Bangsamoro na suportado ni President Noynoy Aquino. Ngunit wala pa ring happy ending.

Tuloy-tuloy ang patayan sa Mindanao, Basilan at Sulu at kidnapping sa Palawan. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>