Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HUSTISYA SA 44 FALLEN HEROES

$
0
0

ANG buong bansa ay nagluluksa dahil sa pagkamatay ng 44 na Special Action Force commandos sa Mamasapano, Maguindanao. At sa gitna ng pagdadalamhati ay buhay na buhay rin ang sisihan kung bakit nangyari ang karumal-dumal na masaker.

Ngunit imbes na bida dahil ‘mission accomplished’ ang SAF sa kanilang isinagawang operasyon, batikos ang nakukuha ng Pambansang Kapulisan. Ngayon, para humupa ang bira sa PNP, kailangang may magsakripisyo rin…at ang nagdusa ay si SAF director Gen. Getulio Napeñas.

Namayani ang sisihan at mistulang kontrabida ang PNP sa kabila ng pagkamatay ni international terrorist Marwan sa kamay ng SAF raiders. Si Marwan na ang tunay na pangalan ay Zulkifli Bin Hir ay isang Malaysian at itinuturing na kilabot at banta ng seguridad sa mundo.

Dapat ay maging proud ang mga Filipino sa accomplishment na ito ni Napeñas at ang 400 PNP-SAF commando na nagsagawa ng operasyon. Ang iniisyu na misencounter dahil sa kulang ng koordinasyon sa pagitan ng mga awtoridad at Moro Islamic Liberation Front ay out of question sa usaping ito.

Ika nga ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseh Estrada, huwag, aniyang, magtiwala sa MILF. Noong siya’y Presidente, nasubok nito ang pag-uugali ng MILF. Iba sa sinasabi sa kanilang ginagawa, ayon kay Erap.

Ang pagmasaker sa 44 SAF sa Mamasano ay maliwanag na trabahong traidor ng mga MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Kapalit ng sisihan, suhestyon natin ay magkaisa na lamang sa pagkondena sa grupo ng  MILF at BIFF na pumatay sa 44 SAF member.

Base sa mga litrato, karumal-dumal ang ginawang pagpaslang ng mga MILF at BIFF sa magigiting na commandos na ito. Binaril sa mukha, pinutol ang mga paa at hinubaran ang ito. Maliwanag na masaker ang nangyari.

Wala sa pag-iisip ang taong matapos pagbabarilin, durugin ng bala at mapatay ay sinasalaula pa ang kanilang mga pinapatay. Patawarin tayo ng ating mga kapatid na Muslim pero ganyan ang nakikita natin sa pag-uugali ng MILF at BIFF diyan sa Mindanao.

Mahalaga na ipagpatuloy ang peace process na ang hangarin ay lasting peace sa Mindanao, pero paano natin ito isasakatuparan. Sa gitna ng isinasagawang peace process, ganoon na lang ba, hahayaan na lang ba nating mabaon sa limot na walang hustisya ang pagkamatay ng tinaguriang Mamasapano heroes? CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>