Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TIME TO RESIGN KAY ROXAS

$
0
0

MARAPAT lang na magbitiw na itong si Sec. Mar Roxas bilang kalihim ng DILG.

Malinaw kasing wala nang tiwala sa kanya ang amo niyang si PNoy matapos ang insidente na kung saan minasaker ang 44 miyembro ng Special Action Force ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao.

Ang hindi pagpapaalam sa kanya ni PNoy ng naturang operasyon, kung totoo, ay kasinglinaw na hindi buo ang tiwala sa kanya ng anak ni Tita Cory lalo pa’t kung maseselan na usapin ang pinag-uusapan.

Napakahalaga ng papel at posisyon ni Mar Roxas sa gobyernong Aquino pero bakit ang isang operasyon na kasing delikado at selan na katulad ng pag-aresto kay Marwan, isang bomb expert mula sa Malaysia at international terrorist ay hindi niya alam, lalo’t kung isaalang-alang na siya ang pinuno  ng DILG, na kung saan under nito ang PNP-SAF.

Lumalabas tuloy na mas pinagkakatiwalaan ni PNoy sina suspended PNP boss Alan Purisima at Executive Sec. Jojo Ochoa kaysa sa mga kapartido niya sa Liberal Party, na talaga namang naghirap sa kanya para makuha niya ang pagka-Pinuno ng Pinas.

Kitang-kita rin sa nangyari na pampolitika lamang ang relasyong Aquino at Roxas at iyan dapat ang pag-aralan ngayon ng asawa ni Korina dahil ang itinuturing niyang kaibigan na pinagsakripisyuhan niya ng kanyang pangarap na maging Pangulo ng bansa ay isa palang huwad na kasangga o kaibigang putik lamang.

Malaking sugal ang gagawin ni Roxas sakaling siya ay magbitiw pero ito na siguro ang pinakatama niyang gawin sa ngayon lalo pa’t nasa kanya ang simpatiya ngayon ng mamamayan dahil sa pambabastos sa kanya ni PNoy.

Tinitiyak din natin na tatatas ang kanyang popularity rating sa labanang pampanguluhan dahil kakawala o kakalas siya sa PNoy administration, na ang tingin ngayon ng sambayanan ay siyang puno’t dulo ng pagkamatay ng 44 SAF members base na rin sa utos ng Amerika.

Balls ngayon ang kailangan ni Roxas at dito dapat siyang samahan ng LP dahil sila mismo ang binastos ni PNoy sa nangyari sa Maguindanao dahil sa kagagawan lang ng isang maangas na lider na mukhang walang kahit katiting na pagsisisi sa nangyari. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES