Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANGMASA

$
0
0

DAHIL siguro sa madalas na informal at pangmasa talaga na mga salitang binibitawan ni Pope Francis, hindi nakapagtataka na minsan ay mabatikos siya dahil sa kanyang mga nasasabi.

Ang pinakahuli ay ang sinabi niya raw tungkol sa pagpaparami ng pamilya tulad ng kuneho.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sinabi ni Pope Francis.

Ang alam ko, minsan ay gumagamit siya ng mga catchy word para makakuha ng atensyon para maipasa ang kanyang mensahe sa kanyang mga constituent.

Naiintindihan ko ang hirap marahil ng simbahan sa paglaban sa mga isyu tungkol sa reproductive health. Lalo sa panahon ng kahirapan at gutom, hindi madali na itanggi na ang isa sa problema ng pamilya ay ang masyadong maraming anak.

Noong itinulak namin ang Reproductive Health sa QC, malaking hamon ang pagtutol ng simbahan. Pero nagwagi ang Konseho noon nang ako ang Majority Floor Leader at naipasa ang kontrobersyal na RH bill dahil sa malinis na intensyon na tumulong sa mahihirap sa pagpaplano ng pamilya.

Iginagalang natin ang paninindigan ng simbahan pero sa aming palagay, at sang-ayon naman ang mamamayan, talagang panahon na para sa pagpaplano ng pamilya sa tulong ng pamahalaan at siyensya.

Ang mensahe ng Papa ay simple lang, gaano man kakontrobersyal ang mga salitang kanyang binitiwan. Ang gusto niya lamang ipahatid sa lahat ay ang responsibilidad ng bawat isa tungo sa mas maayos at maginhawang buhay.

Lalo ang pamilya, ang talagang sinabi ni Pope Francis ay maging responsableng mga magulang tayo at hindi dahilan ang pagiging Katoliko para hindi maiayos at maplano ang pamilya, kung ilan lang ang dapat anak na kayang buhayin ng matiwasay ng isang mag-asawa. Sensitive talaga ang isyu ng family planning.

Ang sigurado ako, walang intensyon ang Papa na makasakit ng damdamin, ang gusto niya lang talaga sabihin ay nakasalalay sa mga magulang ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

o0o
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>