Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUICIDE NA MISYON

$
0
0

ANG buong bansa ay nagluluksa sa hindi napapanahong pagkasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP), na minasaker ng mga rebelde sa Mamasapano, Maguindanao mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

Wala sa kanila ang nakaaalam na ang misyon nilang mag-serve ng arrest warrants sa Malaysian na si Zulkifli bin Hir alyas “Marwan” at sa Filipinong si Basit Usman, isang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), ay huli na pala nilang misyon.

Si Marwan at Usman, kapwa manggagawa ng bomba na pinaghahanap sa buong mundo, ay konektado sa kinatatakutang grupo ng terorista na Jemaah Islamiyah. May alok ang gobyerno ng Amerika na $6-milyon para mahuli si Marwan at $2-milyon sa ulo ni Usman.

Nakorner at napatay si Marwan sa pagsalakay ng SAF, samantalang si Usman ay pinaghahanap pa ng pulis. Pinutol ang isang daliri ni Marwan para makumpirma ang DNA nito sa Federal Bureau of Investigation (FBI).

Sa 392 SAF commandos na inatasan sa misyon, 44 ang kumpirmadong nasawi, 12 ang sugatan, at ang natitirang 336 ay pawang nakabalik din.

Gayunman, lumutang ang ilang kontrobersyang bumabalot sa misyon matapos ang masaker, lalo na matapos aminin nina Interior and Local Government Sec. Mar Roxas at PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina na hindi nila ito alam.

Paano naitago kina Roxas at Espina ang misyon na ganito kalaki na sangkot ang 392 taga-SAF na ipinadala sa Mamasapano, isang lugar na kontrolado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)? Ipinakita rin ng MILF ang tunay nilang kulay nang katayin nila ang mga pulis na parang nabitag na mga kuneho, sa tulong ng BIFF.

At ang masama pa, may mga ulat na ang sinuspindeng PNP Chief Director-General Alan Purisima ang nagbigay ng mga kautusan sa misyon.

Nanatili raw si Purisima sa loob ng tirahan ng PNP Chief sa loob ng Camp Crame na tinawag na “white house” habang nagbibigay ng instruksyon sa misyon, at nag-ulat ito kay President Aquino o Executive Secretary Paquito Ochoa sa naging takbo nito.

Batid ng lahat na malapit si Aquino kay Purisima, at piniling manatiling tunay at tapat na kaibigan kahit sa kasagsagan ng mga isyu kaugnay ng katiwalian na ibinabato sa PNP Chief. May nagsasabi na kung nagtagumpay ang misyon ng SAF ay nakabawi sana si Purisima sa mga isyung ito.

Kung itinuturing ni Aquino na “de-facto PNP Chief” si Purisima, dapat magbitiw na sina Roxas at Espina kaysa manatili sa puwesto at anihin ang galit ng mamamayan kapag naulit na wala na naman silang alam sa mga sensitibong misyon sa ilalim ng kontrol ng sinuspindeng PNP Chief.

Si Aquino man ay umani ng galit ng publiko, lalo na ng pamilya ng mga biktima, sa “kawalan ng pakiramdam” nang piliin niyang dumalo sa inagurasyon ng isang planta ng Mitsubishi Motors sa Laguna, sa halip na salubungin ang pagdating ng mga labi ng minasaker na SAF commandos sa Villamor Air Base.

Maliwanag na mali ang desisyong hindi ipaalam kina Roxas at Espina ang isang sensitibong operasyon, na wala ring koordinasyon at suporta ng militar, kaya nagbuwis ng buhay ang ating mga bayani.

Sa isang report ay nagpahayag si Police Director Getulio Napeñas, ang sinibak na commander ng SAF matapos pumalpak ang misyon, na sumusunod lamang sila sa utos, at alam ng Pangulo ang Mamasapano operation.

Ang pinakamaliit na magagawa rito ay isuko ng MILF ang mga responsable sa masaker, kabilang na si Usman.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>