Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO MAN ANG ARGUMENTO, PNOY PA RIN

$
0
0

SI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III [pa rin] ang responsable sa malagim na sinapit ng mga operatiba ng Special Action Force (SAF) sa Maguindanao.

Ito’y kung susundin natin ang prinsipyo ng pagiging ‘Commander-In-Chief’ ni PNoy at ang tinatawag na ‘Command Responsibility’ kaya… marapat lamang na lisanin na nito ang kanyang trono sa Malakanyang.

Pero hindi magbibitiw itong si PNoy dahil ang pangalan ng ating Inang Bayan ay Pilipinas. Hindi tayo South Korea o Japan kung saan ora-mismo ay nagbibitiw ang opisyal kapag pumalpak.

Kaya kahit paikut-ikutin ng mga ungas na ito ang mga argumento sa pangyayari at kahit sino pa ang inguso nitong si PNoy na may kasalanan… kahit ano pa ang resulta ng Board of Inquiry – si PNoy pa rin ang salarin.

Hindi gagalaw itong suspendidong hepe ng pulis na si General Alan Purisima kung walang basbas ni PNoy. Hindi mangangahas ang hepe ng SAF kung walang basbas ni Purisima.

In fairness naman kay Purisima, ayon sa aking nakausap na opisyal ng SAF, marapat lamang daw na siya ang magmando sa nasabing operasyon dahil nagsimula ang plano noong aktibong hepe pa siya ng pulisya.

May katwiran din ang ungas na iyon pero mas dapat na maayos at kumpletong ‘turnover’ ng lahat ng trabaho sa Philippine National Police (PNP) ang ginawa ni Purisima nang masuspinde ito.

Kung ginawa ito ni Purisima ay ‘di sana bulag sa nasabing operasyon ang Officer-In-Charge ng PNP na si General Leonardo Espina. Ang problema, kunsintidor si PNoy.

Oopps, teka muna! May mga gumagamit na ng terminong ‘Fallen 44’ o kaya ay ’44 Heroes’. Parang sobra na yata ito, namatay sila kaya bayani? ‘Yung ibang kasama roon na buhay at sugatan, hindi ba sila bayani?

Marami na ang namatay sa matagal nang kaguluhan sa Mindanao. Hindi lamang ang 44 na SAF Commandos na namatay dahil sa kagaguhan ng kanilang mga hepe.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>