Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAGPAPANGGAP

$
0
0

HINDI pa nagtatagal ay nagimbal tayo sa malagim na pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude. Si Jennifer ay ipinanganak na lalaki pero pinili niya na tawagin siyang isang babae.

Kumikilos siya at nabubuhay na isang babae. Ang sabi ng mga haka-haka, pinatay raw si Jennifer ng isang Kano na naka-date niya dahil nagalit daw ang Kano dahil hindi pala babae at nagpapanggap lamang si Jennifer.

Noong isang araw, isang dalagita ang malagim na pinaslang ng kanyang ka-Facebook na isang Australyano.

Kararating pa lang ng banyaga sa Pilipinas at katatagpuin ang dalagita na kanyang FB-friend pero humantong sa malagim na pagkamatay ng 17 taong dalagita.

Sabi ng Australyano, ipinagtanggol lang daw niya ang sarili dahil kinagat ng dalagita ang kanyang ari at isa pa, napagkamalan daw niya na isang transgender ang Pinay.

Pero rason ba ang bintang na “nagpanggap” si Jennifer at ang dalagitang ka-date ng Australyano para sila’y brutal na paslangin?

Ang mga transgender ay hindi na lingid sa kaalaman ng sambayanan.

Sa totoo lang, napakaraming sikat na nabibilang sa tinatawag na “third sex” ang iginagalang naman ng mamamayan at hindi naman kinasusuklaman.

Ang pagpatay kay Jennifer at sa dalagitang Pinay ay bunga ng matindi pero hindi maipaliwanag na poot.

Hindi ako naniniwala na ang pagkamatay ng dalagita sa kamay ng Australyano ay dahil nagpanggap ito na babae pero lalaki pala.

Maaari rin na ang mga taong kayang gumawa ng ganitong karumaldumal na krimen ay may sakit sa pag-iisip o kaya’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kaya hindi matino ang pag-iisip.

Mabuti naman at nahuli ang mga pumatay kay Jennifer at sa dalagita.

Sa mga gagawing imbestigasyon ay malalaman natin ang dahilan ng pagpaslang sa kanila.

Sa mga susunod na araw ay maaari na nating igiit na hindi katanggap-tanggap ang rason ng mga kriminal sa ginawa nilang walang-awang pagpatay sa kanilang mga biktima.

o0o
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>