Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SINO ANG ITATAPAT KAY BINAY?

$
0
0

SA darating na Oktubre ay sumitian na ng kandidatura sa Commission on Elections sa mga nais tumakbo sa darating na May 2016 polls.

Subalit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na kandidato sa pagka-Pangulo ang  administrasyong Aquino, bukod kay Sec. Mar Roxas.

Sa ngayon ay out of the race na si Roxas dahil hindi umaakyat ang rating.

Maliwanag na ‘suicidal move’ ang gagawin ni PNoy kung si Sec. Mar ang kanyang isasabak kay Vice-President Binay.

Simula’t simula pa kasi, si Binay na ang pinakamataas ang rating sa kabila ng kaliwa’t kanang espose sa umano’y katiwalian nito.

Pakiwari natin ay nauubusan na ng panahon ang kampo ni Roxas sa paghahanap sa napakailap na ‘yes to May 2016’ ni Sec. Mar.

Tila napakahirap na makabalik ang ‘Mr. Palengke’ days kahit na paliguan pa ng ating kaibigang Cong. Egay Erice ng pabangong Hermes si Sec. Mar.

Batid ng Liberal Party ang pagsasakrispisyo ni Cong. Egay para mahalin ng madla ang sanggang-dikit na kalihim pero ‘di tumatalab ang isinasalang na mga estratehiya.

In fairness, magaling na lider si Sec. Mar dahil siya’y hindi korap, primerang ugali na dapat kuwalipikasyon ng isang karapat-dapat na lider ng bayan.

Ang matagal nang nosyon o paniwala na dadalhin ni PNoy si Sec. Mar Roxas sa Palasyo ay malayong hindi na mangyayari.

Sa dami kasi ng kapalpakan ng kanyang administrasyon, unti-unti nang dumidistansya ang sambayang Filipino  kay Pangulong Aquino.

Kaya ang latay sa Pangulo, ay latay rin sa kanyang mga kaalyado, isa na riyan si Sec. Mar.

Dapat ay lumabas na ang DILG secretary sa saya ni PNoy kung nais niyang siya’y maging contender sa darating na May 2016 election.

SI GEN. ERNI ANG NAGWAGI

Sa rami ng gustong maging R-4A chief, si C/Supt. Erwin Erni ang nagwagi.

Dahil siya ang napili ni DILG Sec. Mar Roxas, dapat ay ipakita ni Gen. Erni na siya’y karapat-dapat sa kanyang posisyon.

Kaya ang hamon ng mga residente ng rehiyon, hulihin mo, general, ang mga sugalan sa Mk Leon Force Sports arena sa Bgy. 2, Mataas na Kahoy; pergalan ni Yoly sa Poblacion, Balite; pergalan ni Malou sa San Luis, bold shows sa Taverna Queen sa Batangas City at bookies ni Kap Viscocho sa Brgy. 7, Poblacion, Tanauan.

At take note general, ginagamit ang pangalan mo ng isang Nestor Violan sa pangongolekta ng tong sa mga iligal sa Cavite.

Susubaybay tayo sa mga kaganapan sa R-4A. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>