Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AKLAS SBMA (2)

$
0
0

MATAPOS nating ilabas ang AKLAS SBMA na ginawa ng mga empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authority, nakatanggap tayo ng mga reaksyon mula sa mga kilala at kaibigan.

Mayroon ding nag-text na hindi natin kilala at ang numero nila ng tawagan ko ay “cannot be reached” na? Hahahaha. Mga gunggong kayo!

Makatwiran ang laban ng mga manggagawa ng SBMA. Sa kanila ang pera na hinihingi nila batay sa batas ng Salary Standardization Law (SSL) na naipasa noon pang 1999-2000 sa bisa ng BCDA rates dahil nasa estado sila ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCC).

Mula noon hanggang ngayon, minsan pa lang nabigyan ng “umento” ang mga taga-SBMA samantalang ang katapat nila, tulad ng Salary Grade 18, P31 libo na ang suweldo samantalang sila ay nasa P19 na libo lang?

‘Yung nag-text na galit lang daw tayo kay Chairman Bobby Garcia dahil sa mga nauna natin na kolum noon, tanga ka o kayo!

Ang isyu ngayon ay tungkol sa karapatan ng mga empleyado sa tamang suweldo at hindi ‘yung malalang smuggling ng langis at petrolyo!

Nagyayabang ang SBMA na ngayon lang daw “kumita” ang SBMA mula ng maitatag ang Freeport?

Kasinungalingan iyan! Noon pa man ay kumikita na ang SBMA pero “pinasok” ng mga korap.

‘Yung mga dapat singilin na bayarin ng locators ay pinera-pera nila.

Ngayon nga lang, ilang director diyan ang nuno ng yabang at walang bukambibig kundi ang Pangulo nilang si Benigno Aquino III, isang ampaw at pabayang lider ng bansa sa unang pagkakataon!

At muli, hindi usapin kung patuloy ang paghahari ng “ilegalistang director.” Ang usapin ay DAPAT ibigay sa lalong madaling panahon, ‘yung pera ng mga manggagawa ng SBMA dahil batas ang may utos.

Kung hindi gagawin ni Aquino ang nararapat batay sa batas ng SSL, ano ang tawag ninyo na mga sipsip sa tumbong niya (PNoy)? Halleluya pa rin? Ukinnayo!

Katulad ng nasabi natin noong una, makatao at parehas si Chairman Garcia. Lamang, ‘yung mga inutil sa tabi at likod niya ang mga traydor.

Posibleng sila ang “nagbaon” sa bundok ng dokumento sa mesa ni PNoy. PERA NG MGA MANGGAGAWA NG SBMA IYAN, IBIGAY NIYO NA!

At sa iyo Noynoy, hihintayin mo pa ba naman na matulad sa PNP-SAF FALLEN 44 na mamatay sa gutom ang mga empleyado ng bayan?

Pakawalan mo na ang pera nila. Hindi sa iyo iyan.

Hindi maaaring gamitin sa iyong iligal na PDAF at DAP iyan! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>