Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

POLITIKA SA PASAY, ‘DI PA NAGSISIMULA UMIINIT NA

$
0
0

HINDI pa man ay masyado nang umiinit ang politika sa Pasay City dahil ang mga politiko rito ay kaliwa’t kanan nang nagpapapogian at nagpapagandahan.

Ang masakit nito, ayon sa ating ‘impormante’, ang mga drug pusher ang gagamitin ng isang malaking grupo sa pagsira sa mga opisyal at sa ilang nagbabalak na kumandidato sa 2016 sa lungsod.

Ibinulgar ng ating insider, sa plano ay idadawit daw ng grupo ang mga target nilang opisyal at nagbabalak na kumandidato sa pagbebenta ng iligal na droga sa lungsod.

Kung hindi bilang protektor ay bilang financier ng mga pusher ang ikakalat ng grupo laban sa kanilang mga target.

Ito’y mga kilala o mga nakakulong na drug pusher ang gagamitin sa naturang plano.

Kung nakakulong na ang pusher, lalapitan ito at aalukin ng tulong para makalaya kahit pansamantala at malaking halaga kapalit ng pagngunguso nito sa isang opisyal.

Kung hindi pa nakakulong ang pusher ipahuhuli ito sa mga awtoridad at tatakuting papatayin o kakasuhan at ikukulong kapag hindi nito itinuro ang protector o kaya ay financier.

Ayon sa insider, kabilang sa grupo ay ang isang kilalang galamay ng isang politiko at isang alagad ng batas.

Kaya kung may mga ‘impo’ kayo na matanggap tungkol sa droga ay ipagbigay-alam ninyo kaagad sa mga ahensya ng gobyerno.

SI MAYOR ANG GAMIT SA SUGALAN

Pahapyaw nating silipin itong peryahan na prente ng mga iligal na pasugalan ni Aling Mely sa Mabini, Batangas.

Wala kasing bukambibig si Aling Mely kundi malakas siya kay Mayor Nilo Villanueva.

Malakas daw kasi direkta raw na dinadala ni Mely ang tongpats sa tanggapan ni mayor.

Totoo kaya na may kinalamang si Mayor V. sa tongpats?

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>