Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OFW SA LIBYA AT MERS-COV

$
0
0

HABANG nakatutok ang ating mga mata sa mga kontrobersya sa Mamasapano, Maguindanao encounter, dapat din tayong tumingin sa iba pang usapin na posibleng ikamatay ng mas maraming Pilipino kumpara sa kahit “250” na patay sa nasabing engkwentro.

Si ex-Special Action Force chief Getulio Napeñas, mga Bro, ang nagpipilit sa pagsasabing nakapatay ang SAF ng nasa 250 umano na miyembro ng MILF, BIFF at private armed groups.

Mariin namang pinabubulaanan ito ng MILF at wala namang balita mula sa BIFF at PAGs.

Ang Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus at mabangis na giyera sa Libya ang tinutukoy nating dapat ding pagtuunan ng pansin.

MERS-COV

Nakapasok na sa mahal kong Pinas ang MERS-CoV na mas mabagsik pa sa Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS na pumatay ng nasa 800 katao sa China at Hong Kong noong 2002-2003.

Pumapatay naman ang MERS-CoV ng nasa 300 katao sa nakalipas na ilang buwan at marami sa mga bansang Arabo na roon matatagpuan ang ilang milyong overseas Filipino worker.

Nakapasok ang sakit sa pamamagitan ng isang nars na nagtrabaho sa Saudi Arabia at nasa ospital ito sa kasalukuyan at ginagamot.

Mayroon ding sintomas ang ilang kabahay nito at ilang taga-Mindanao.

Wala namang nakasisiguro na libre lahat sa MERS-CoV ang nasa 200 kataong kasama ng nasabing nurse sa eroplano na dumating sa bansa at nagpunta na kung saan-saang dako sa Pinas.

BABALA

Naalarma na mismo ang Department of Health sa pagpasok ng nasabing sakit na sa loob lamang ng apat na araw hanggang isang linggo ay namamatay ang may dala nito.

Kung ang SARS ay pumapatay sa loob ng dalawang linggo, mas maigsi ang panahong bibilangin para sa kamatayan sa MERS-CoV.

Pero hindi lang ito ang nakababahala para sa DOH.

Tag-araw na at may mga malalaking okasyon sa bansa na karaniwang dahilan ng pag-uwi ng maraming OFW at pagdagsa ng mga turista.

Halimbawa sa ating mga okasyon ang Semana Santa na halos ang buong bansa ay gumagalaw at bumibiyahe at nagtitipon-tipon ang maraming tao at mga pamilya.

Ito ang sinasamantala ng ating mga OFW at turista sa pagparito sa Pinas. At gaya ng naganap sa nars na biktima ng sakit ngayon, maaaring may makapagdala ng MERS-CoV sa Pinas na OFW o turista at ito ang magiging dahilan kung bakit magiging malaganap ang sakit.

Eh, kung milyong katao nga ang darating sa atin at may daan-daan o libong may MERS-CoV, saan nga naman tayo pupulutin kundi sa mga ospital diretso sa mga sementeryo.

PARI BAWAL

Heto ang isang palatandaan ng pagiging delikado ng MERS-CoV: bawal kahit pari na lalapit at magbasbas ng maysakit at namatay sa sakit na ito.

Ibig-sabihin niyan, mahahawa lang ang pari at posibleng sunod siyang magkasakit at mamatay.

Ganito rin ang patakaran sa mga miyembro ng pamilya na nag-aalaga ng maysakit at isinasama pa nga sa ospital para magamot ang mga ito.

Ito’y upang hindi kakalat ang virus ng sakit.

MAGTULUNGAN

Makinig tayo sa mga sinasabi ng DOH ukol sa MERS-CoV.

Alamin sa kanila, maging sa ating mga barangay health center, kung ano-ano ang mga palatandaan ng MERS-CoV.

Pero karaniwang palatandaan ang pagkakaroon ng matinding lagnat, labis na pag-ubo at paninikip ng dibdib na kung sobra na ang mga ito ay siya namang ating ikamamatay nang mabilis.

Lalo na kung alam natin na galing sa ibang bansa ang ating kabahay at kapitbahay na may taglay na palatandaan ng sakit, iulat natin agad ito kina tserman at bahala na silang magkarambola sa pagtatakbo ng maysakit sa mga ospital.

Mabilis din ang cellphone na gamit sa komunikasyon sa pagkontak sa mga ambulansya, doktor at ospital.

Maliliit na bagay ang mga ito pero maliligtas ang marami sa sakit at makatutulong tayong lahat para sa pagtataguyod ng magandang kalusugan at sa pakikipaglaban sa kamatayan.

OFW SA LIBYA

Matindi ang giyera ngayon sa Libya.

Dalawang gobyerno ang magkahiwalay na itinatag ng mga Libyano at mayroong iba pang grupo na nagsusulong din ng sarili nilang gobyerno at teritoryo.

Kalahok sa mga giyera ng dalawang gobyerno ang mga teroristang grupong Al Qaeda at Islamic State.

Dahil sa tindi ng mga labanan at pambobomba na rin maging ng ibang bansa sa mga terorista na nasa loob ng bansang Libya, nadadamay na rin ang mga OFW na tinatayang nasa 12,000.

Nakakalat, mga Bro, ang mga OFW sa iba’t ibang bahagi ng Libya at nangangamba ang marami sa kanila na madamay sila sa mga digmaan.

Dapat kumilos nang husto ang ating pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW na sinasabing matitigas ang ulo sa hindi nila pag-uwi kahit patakaran na ang pwersahang pagbabakwit sa kanila.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>