Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KALOKOHAN NG PRIVATE EMISSION TESTING CENTERS

$
0
0

TUWING nagrerehistro tayo ng sasakyan ay kinakailangan nating idaan ang ating sasakyan sa tinatawag na smoke emission test bilang pagtalima sa ating umiiral na batas laban sa smoke-belching. Ngunit bakit kaya sangkatutak pa rin na mga sasakyan, at karamihan dito ay mga trak at pampasaherong bus ang bumibiyahe na ang kakapal ng usok na lumalabas sa mga tambutso?

Aba’y ang balita ko kasi ay sinisindikato naman pala ng mga private smoke testing center ang mga isinasagawang emission test at kahit hindi naman dapat pasado ay binibigyan pa rin ng certification para sa registration? In short, ginagawang raket ng nga smoke testing centers ang rekisitos na ito ng Land Transportation Office (LTO).

Kapalit ng tongpats ay nakapapasa sa smoke test ang mga sasakyan na siyang dahilan naman kung bakit unti-unti tayong pinapatay ng mga ito dahil sa polusyon.

Hindi naman siguro tanga itong si LTO chief Atty. Alfonso Tan, Jr. para hindi niya alam ang raket diyan sa smoke emission testing. In short, it’ either tino-tolerate niya ito o kaya naman ay nakikinabang din siya dito.

Sa totoo lang naman ay ni hindi na kinakailangang magsagawa ng mga test na ‘yan dahil kahit sa tingin pa lang ay alam mo nang napakarami sa bumibiyaheng pampasaherong bus at trak ay palyado na ang makina. Diyan pa lang sa EDSA ay halos nagkaka-zero visibility na minsan diyan dahil sa kapal ng mga usok na ibibubuga ng mga sasakyan.

Ni hindi mo na kailangan ang aparato na ginagamit upang alamin ang antas ng usok na ibinubuga ng isang sasakyan dahil kitang-kita mo na ang maitim at mabahong usok na nagmumula sa tambutso.

Paano kaya nakalusot ang mga ito sa mga smoke testing centers na kontrolado ng Private Emission Testing Center Operators Association (PETCOA)? Totoo ba ang mga balitang hindi magalaw-galaw ang mga ito dahil ang lalakas ding maghatag ng tong-pats sa mga opisyal ng LTO?

Kung tunay na tuwid na daan ang isinusulong ngayon na patakaran sa LTO, isa sa mga bagay na kinakailangang busisiin nito ay ang record nitong mga private emission testing centers na accredited ng LTO.

Kinakailangang magre-apply ng accreditation ang mga ito upang masiyasat na mabuti ang kanilang mga record bago payagang muli na maging third party service provider ng LTO pagdating sa emission testing.

Dito natin malalaman kung tunay nga na may malasakit sa taumbayan itong LTO.

****
Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestyon ay mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>