Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PURISIMA ‘PUMALPAK’

$
0
0

SA madaling salita, lumalabas na pumalpak ang nagbitiw na Philippine National Police chief na si Alan Purisima sa naganap sa Mamasapano na nauwi sa pagkakamasaker ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos.

Inamin ni Purisima sa imbestigasyon na isinagawa ng Senado noong Lunes na sinabihan niya si President Aquino madaling-araw pa lang noong Enero 25, 2015 sa pagpapatupad ng pwersa ng SAF sa “Oplan Exodus” na ikinasawi ng teroristang si Zulkifli bin Hir alyas “Marwan.”

Ito ang unang pagkakataon na lumantad ang isang opisyal para aminin na siya ang nagsabi sa Pangulo ng naturang SAF operation.

Hindi nakasagot sina Interior Sec. Mar Roxas, Defense Sec. Voltaire Gazmin at Armed Forces chief General Gregorio Catapang nang tanungin ng mga senador sa mga naunang pagdinig kung sino ang nagbalita nito kay PNoy.

Binasa pa ni Purisima ang mga mensaheng text sa pagitan nila ni Aquino sa araw na iyon.

Sa unang mensahe ay nakalagay ang implementasyon ng oplan, pagkasawi ni Marwan na ang mga labi ay naiwan at ang pag-atras ng tropa ng SAF.

Mababasa sa isang text message na “the containment forces are in contact right now, they are supported by mechanized and artillery support”, na nagpapahiwatig na may suporta na magmumula sa mga militar.

Ang text na ito, ayon kay Purisima, ay batay sa impormasyon na natanggap niya mula kay Lt. Gen. Rustico Guerrero, pinuno ng Western Mindanao Command.

Gayunman, nilinaw ni Guerrero sa naturang pagdinig na ang sinabi niya kay Purisima ay ang suportang “available on the ground.”

“Hindi ko sinasabing pumuputok na ’yong artillery at nandoon na ’yong mga tangke.

“Ito ‘yung available sa area kasi ngayon lang kayo nagsabi,” paliwanag nito.

Ang pagkakaintindi raw ni Purisima ay susuportahan ng “mechanized, artillery and infantry” ang tropa ng SAF.

Ang “pagkakaintindi” na ito, o mas angkop bang sabihing hindi pagkakaintindihan, ay maliwanag na nagresulta sa pagkasawi ng 44 na SAF commandos.

* * *

Kay Purisima pa rin at sa pagkakasangkot niya sa Mamasapano massacre, inamin ng sinibak na si SAF chief Getulio Napeñas sa Senado noong Lunes na Enero 13, 2015 na nagpadala siya ng text message kay Purisima, para irekomenda na isagawa ang Mamasapano operation sa pangalawang petsa na pinagplanuhan sa Enero 23 hanggang 26.

Ito’y bunga umano ng mga komento ng Pangulo sa kanilang meeting sa bilang ng mga tao na kanilang gagamitin.

Ang unang petsa para ipatupad ang operasyon ay sasabay raw sa pagdating ni Pope Francis, kung saan ang karagdagang tao mula sa kanilang pwersa ay itatalaga sa Tacloban.

Nakasaad sa bahagi ng text message ni Napeñas na, “for your consideration and understanding,” at sinagot naman ito ni Purisima ng: “Ok na, go for the secondary schedule.”

At sinabihan din umano ni Purisima si Napeñas na ilihim ang Mamasapano operation kina Secretaries Roxas at Gazmin.

Batay sa mga rebelasyon ni Napeñas, ang “go-signal” para ituloy ang operasyon kasama ng direktiba na huwag itong sabihin kina Roxas at Gazmin ay maliwanag na nagmula kay Purisima sa panahong siya ay suspendido.

Bilang matalik na kaibigan ng Pangulo, ibig malaman ng lahat kung paano pananagutin si Purisima sa pagkakamaling ito. Maghintay at mag-abang na lang tayo.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>