MARAMING ahensiya ang ating pamahalaan na may kani-kanyang tungkulin sa ating mamamayan. Isa sa pinakanilalapitan ng mga tao ay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sapagkat, sa ahensiyang ito nakakakuha ng tulong ang mga taong may sakit.
Ang PCSO ang tumutulong sa mahihirap upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagpapagamot kapag hindi na nila kayang tustusan, dahil na rin sa kahirapan o kaya naubos ang kanilang naipon pera sa kakabayad sa ospital, mamahaling gamot.
Maaaring makakuha ng ayuda sa PCSO ang isang tao para sa operasyon, gamot sa pagpapa-chemotherapy, dialysis, prosthesis, implants at organ transplants at kung ano-ano pang mga sakit na naglalabasan na kailangan ng matagal na gamutan.
Dahil sa mahalagang gampanin ng PCSO sa mga tao, dapat din natin tulungan ang ahensiya, sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanilang programa, tulad ng UltraLotto 6/58; Grandlotto 6/55; SuperLotto 6/49; MegaLotto 6/45; Lotto 6/42; 6 Digit Game (6D) 4 Digit Game (4D) Swertres Lotto (3D) EZ2, Keno at sweepstakes.
Kung patuloy tayo’y tatangkilik sa mga ibinebenta ng PCSO, makakalikom sila ng malaking pondo at magiging matatag ito. Ang isang P20.00 lotto ticket ay ipinamamahagi sa 3 bahagi:
• 55% – ang pinakamalaking bahagi ng pondo ay para sa mga premyo inaasam natin.
• 15% – ginagamit sa pagpapatakbo ng PCSO.
• 30% – pondo nalikom ay napupunta sa kawang-gawa (charity).
Napakalaking tulong at biyaya ang maipaaabot sa kapwa sa pagbili ng sweepstakes at pagtaya sa lotto para lalong lumago ang pondo ng PCSO.
Kung sakali naman ‘di kayo nanalo sa pagtaya at pagbili ng lotto at sweepstakes. Malaking naman ang naitulong ninyo sa taong nangangailangan ng pera upang maisalba ang kanilang buhay.
Ang pagtulong sa kapwa ay nagtatamo ng pagpapala mula sa Dakilang Lumikha.
Tuwing umaga hanggang hapon, punong-puno ng tao sa PCSO Main Office na nasa 1507 Sun Plaza Building, Princeton St. cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City at sa may loob ng Lung Center of the Philippines compound, Quezon Avenue, Quezon City. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG