MAPAYAPANG iresolba ang problema sa Sabah ang panawagan ng marami, lalo na nang mga politiko, mga tamad mag-isip at pati nagmamagaling sa facebook o kahit sa kwentuhan lang.
Ito Ang Totoo: wala naman talagang may gusto ng karahasan at kung maaari ang lahat ay maaayos nang mapayapa.
Kaya nga lang, sa puro kapayapaang panawagan, lalo na ng mga hindi naman inaral ang sitwasyon, mga pangyayari at maging ang kasaysayan, hindi na nga nakatutulong, nakasasama pa sa imahe ng lahing Pinoy na parang bakla ang paninindigan.
Hindi maitatatwa at nasa kasaysayan na ang Sabah ay inuupahan lang sa Sultan na Filipino ang katauhan.
Dahil pinabayaan at walang tulong sa pamunuan na pulitika ang inuuna, sumabak ang pamilya ni Sultan Kiram, sukdulang buhay nila ay maalangan.
Walang tulong sa kasalukuyang pamunuang maaasahan sina Sultan Kiram dahil identified siya sa partido ni dating Pangulong Gloria Arroyo at ito ang pinakamalaking kagaguhan ng mga nakapaligid kay Pangulong Aquino na ngayon ay mukhang tanga hindi lang sa madlang Filipino kundi sa buong mundo.
Sa halip na protektahan ang mga Pinoy na pinamumunuan, binalaan pa na sila ay kakasuhan. Sa halip na magbabala sa pamahalaan ng Malaysia, ang mga Pinoy pa ang tinakot at pinagdudahan.
Maraming paninindigan si PNoy na ating hinangaan pero rito, bakla at walang kuwenta ang kanyang ipinakita.
Nangamatay na ang mga Pinoy pero para bang hindi man lang nagagalit si Pangulo.
Mabuti na lang at ang kampo ni Kiram ay handang magbuwis ng buhay kaya sana dahil sa kanila, kahit papaano ang lahing Pinoy ay hahangaan, kahit ang pamahalaan nito’y puro pulitika at kabaklaan.
Kung tinigasan ni PNoy na huwag gamitan ng dahas ng Malaysia ang mga Pinoy sa Sabah, baka nagdalawang-isip ang naturang bansa na lusubin agad ang mga kababayan natin, baka siguro hindi nangamatay ang marami at hindi nalantad ang nakahihiyang paninindigan na namatayan na ay parang wala lang.
OA ang Malaysia sa pagmamadali na pagpapatayin ang mga Filipino sa Sabah.
Tutunganga na lang ba tayo? Dapat hinde! Ito Ang Totoo!
