TULOY-TULOY ang hawaan.
Last week, nasa Cebu ako at naikwento ko nga sa inyo na nahawa na ang maunlad na siyudad ng Cebu sa PINK fever.
Excited and Local Government Units ng Cebu na suportahan ang PINK public transportation kaya magpipinta rin sila ng mga pink jeep, at pwedeng pink bus at taxi na magbibigay-priority sa mga kababaihan, kabataan, katandaan at may kapansanan na makasakay sa mga public transpo na kulay pink.
At ngayon ngang araw na ito ng Lunes, March 9, 2015, ay ilulunsad ng RRCG Bus line ang apat (4) na PINK Bus na unang tatahak sa ruta ng Cainta-Quiapo at magsasakay lang muna ng mga babae, mga minor, mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa rush hours.
Ang sabi ng mga namumuno sa RRCG, kung mag-okey ang programang ito ay buong araw nang exclusive sa mga nasabing pasahero ang pink buses.
Ang objective ng PINK buses ay taliwas sa opinyon ng marami na ang mga bus sa kalsada ay nag-uunahan na makakuha ng pasahero, na halos sardinas ang mga ito lalo kapag rush hours para makarami ng kita at bahala na kung babae o lalaki, may kapansanan o wala, basta makabayad ng pamasahe ay pilit na isasakay ng mga bus.
Ang mga pink na bus na unang susubukan ng RRCG ay magiging para lang sa exclusive passengers natin – babae, minors, senior citizens at PWDs – kaya magiging ligtas para sa kanila, magiging matiwasay ang biyahe at hindi magmamadali ang mga bus.
Kasama sa maglulunsad ng proyekto sa araw na ito ang Philippine Commission on Women, PWD organizations, National Youth Commission, Office of the Senior Citizens of LGUs, Senators Pia Cayetano at Bam Aquino bilang mga Chairperson ng Committee on Women, Youth and PWDs ng Senado at Congresswoman Villarica ng House Of Representative’s Committee on Women.
Saludo ako sa PINK.
Para sa Interes ng Kababaihan, Kabataan, Katandaan at may Kapansanan.
Ang kanilang adhikain ay tunay na sumasalamin sa pusong Pinoy. Sana naman ay mag- okey ang programang ito.
***
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON