Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FLEA MARKET, GINAGAMIT SA PANGGAGANTSO

$
0
0

SINO itong dating konsehal na nakilalang Georgie Antonio at nagpapakilalang malapit kay Manila Mayor Erap Estrada ang inirereklamo ng mga negosyante ng Quiapo, Maynila dahil sa panghuhuthot sa kanila ng milyones na pera para sa pag-organize ng vending o flea market?

Sinabi ni Marife de Villa, may-ari ng AL-2 Ferex Organizers Company, nag-oorganisa ng Flea Market sa Maynila, umaabot daw sa P3.5-M ang halagang nakuha ni Antonio.

Nakilala ni De Villa si Antonio mula sa isang kaibigan nito kaya kumpiyansya siya na makapagtatayo sila ng flea market sa Maynila at saka ibinigay niya agad ang ‘acceptance fee’ ng huli.

Matapos na makuha ni Antonio ang pera ay hindi raw ito nag-materialize pero nangako naman ang huli sa kanila na ibibigay ang flea market sa Liwasan Park.

Naibigay nga ni Antonio sa grupo ni De Villa ang pag-o-operate ng Liwasang Park noong Dec. 2013 ngunit sa pagtatapos ng 2014 ay pinalayas na sila sa puwesto at ipinalit naman ang ibang grupo na kausap ni Antonio.

Kinuwestyon ng complainant ang permit sa flea market sa Liwasang Park pero sinopla sila ng hepe ng bussiness permit na si Atty. Fortun.

Hanggang sa sinabihan nila si Antonio na ipararating nila kay Mayor ang ginawa nitong panloloko pero nagwalang-bahala lang ang nasabing manggagantso.

Bukod sa manggagantso na ang huli ay mangongotong pa ito ng mga vendor.

Kilala ba ninyo, Mayor Erap, itong si Antonio? Matalim at mapanganib ang mamang ito!!! (May karugtong pa ito.)

BOOKIES SA MANILA UNTOUCHABLE PA RIN

Patuloy pa rin ang operasyon ng bookies ng karera ni Alex Bicol sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng ‘all out war’ against illegal horse racing.

Wala pa ring aksyon ang mga presinto na kung saan ay namumulaklak ang bookies ni Alex Bicol.

Ang lagay, e, ganon na lamang ba ‘yun? Hehehehe.

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>