HINDI talaga matitinag ang iligal sa Kyusi dahil mismong Office of the Mayor ang nagbibigay proteksyon dito.
Unahin na natin ‘yung naipasarang putahan ng Remate d’yan sa kahabaan ng E. Rodriguez.
Kung ang Max Chicken ay may kasabihang The House That Fried Chicken Built, ito namang gusali ng Happy Sauna sa kahabaan ng E. Rodriguez Ave. ay tinatawag na The House That Prostitution Built.
CLOSE OPEN
Matapos itong ireklamo ng Remate nang mahuli sa aktong nakikipagtalik ang mga masahista nito sa parokyano. Agad na ipinasara ito ng pamunuan ni QC Mayor Bistek Bautista.
Pero ang kataka-taka makalipas lang ng ilang araw ay bukas na naman ito. Tsk!Tsk! Tsk! Base sa bulong ng ating uzi 3 raw kasi lagi ang business permit ng putahan.
Kapag nahuli raw at nakasuhan ang isa ay ‘yung iba namang permit ang gagamitin.
Kaya tuloy na naman ang “kaplogan.”
TIRAHAN SA TIMOG
Isa pang sikat na putahan sa Kyusi ay ang “Tirahan” sa Timog kung tawagin, ito ‘yung Grandeur Sauna Bath na ipinasara pero lumipas lamang ang ilang araw ay bukas na naman pero Utopia na ang pangalan.
Grabe! Laganap talaga ang raket na close open d’yan sa Kyusi.
Oooops! Pero base sa bulong ng ating uzi ang bagong may-ari raw nito ay ang may-ari rin ng putahan sa Coastal Mall na matatagpuan sa Parañaque City.
BANATAN SA QC
Protektado raw ng isang mataas na heneral ng PNP ang Queens Chamber KTV na matatagpuan sa kahabaan ng Quezon Ave.
Minsan ay naipasara rin ito pero hayun close open din ang nangyari, dating Queens Castle ang pangalan ng putahan pero ngayon ay Queens Chamber naman. Para tuluyan na ang kailigalan sa buhay tinabihan pa ng Sauna Bath ang KTV na ang pangalan naman ay Impress, dating Imperial Sauna ito pero nahuli kaya nakahanda na naman ang bagong lisensya.
GABRIELA, NASAAN KA?
Nasaan na ang Gabriela na nagtatanggol sa ating mga kababaihan?
Hindi ba’t dito dapat kayo mag-rally sa harap ng mga putahang ito?
CIDG WAAKO O WACCO
Ano ba talaga ang tawag sa opisina ng CIDG WACCO?
WA AKO o WACCO?
WA AKOng tinatanggap na lingguhan at WAla rin AKOng nakikitang putahan.
Tsk!Tsk!Tsk! Ang akala pa naman ng ULTIMATUM ay Women and Children Complaints Office yan. ‘Yun pala ay protektor lang ng mga putahan ang nand’yan.
MAYOR BISTEK CITY HALL
Mayor Bistek garapalan na ho ang nangyayaring ito sa inyong pamunuan.
Mataas ang respeto sa inyo ng ULTIMATUM pero kapag nagtuloy-tuloy ang ganitong sistema, malamang na tuluyan na rin tayong maniwala na kayo mismo ang may utos sa raket na “close-open” sa inyong Bureau of Permits and Licensing Office.
ASBU SAN JUAN
Nakasusulasok na usok ang kalaban ng Anti-Smoke Belching Unit kung kaya’t puspusan ang panghuhuli ng mga ito sa mga sasakyang dumurumi sa ating kapaligiran.
Pero kakaiba ang ASBU sa San Juan, kapag ikaw ay nahuli, hindi pananakot at pambabarako ang makikita mo kundi buong respetong ipaliliwanag sa’yo kung ano ang naging violation mo at sa halip na mainis ka ay siguradong susunod ka sa pangaral ng mga ito.
Maraming salamat Reynaldo P. Rodriguez at Ronald Oraye ng San Juan ASBU. Nawa’y tularan kayo ng lahat ng tauhan ng gobyerno.
Maswerte ang San Juan at nand’yan kayo. Maswerte rin ang Sambayanang Filipino.
GULO SA K+12
Mabilis na lumalapit ang buong paglalapat ng K+12 program ng Department of Education.
‘Yun bang === Kindergarten plus anim na taong elementarya, apat na taong Junior High School (JHS) at dalawang taong Senior High School (SHS).
Bagama’t maraming problema mismo ang JFS, okey umano na ituloy ito. Sa JHS, alam ba ninyong nagkaroon ng malalaking personal na gastos ang mga titser sa pagda-download ng programa at pagdaragdag ng sarili nilang kaalaman nang walang malinaw na subject matter ang DepEd, bukod sa mahal na bayad sa mga orientation seminar dito?
PROBLEMA ANG SHS
Itong SHS ang talagang problema, mga Bro. Akalain ba nating hanggang ngayon ay wala palang malinaw na sariling program ang DepEd?
Anak ng tokwa, hahalawin lang daw ang programa sa programa ng Technical Education and Skills Development Authority. Pero totoo ba na mahinang klase ang TESDA program at kakaunti lang ang naeempleyo na graduate rito?
Malaki pang problema ang nasa 100,000 na titser at empleyado sa kolehiyo na mawawalan ng trabaho pero wala ring malinaw na sagot dito ang DepEd.
Aba itigil muna ‘yang K+12 na ‘yan!
o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA