Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAWAWANG NAPEÑAS

$
0
0

TAONG kulang ang pag-iisip o yaong kung tawagin ay ‘abnoy’ ang hindi nakararamdam ng pagkaawa kay Gen. Getulio Napeñas. Mula pa noong Enero 26 hanggang sa kasalukuyan ay ‘target’ ng paninisi ang sinibak na Special Action Force chief.

Sa sobrang pagod yata sa kapapaliwanag ng kanyang role sa Mamasapano incident, aba’y nangayayat na si Gen. Napeñas. Sa rami ng imbestigasyon dahil sa pagkamatay ng 44 SAF commandos, pakiwari nating tustado na ang utak sa kasasagot sa mga tanong.

Siguro’y walang oras na ipinagdarasal ng heneral na sana’y matapos na ang kanyang pagdurusang dala ng Mamasapano episode. Pero tila ‘di naririnig ang kanyang hinaing, dahil kamakailan lang, headline na naman sa mga pahayagan ang kanyang pangalan.

Sa prayer rally sa Malakanyang ground noong Lunes, mantakin mo ba namang isisi ng Presidente kay Napeñas ang Mamasapano killings. Sinabi nitong mali-mali ang mga iniulat sa kanya ni Napeñas sa kasagsagan ng barilan sa pagitan ng mga SAF, MILF at BIFF.

Dahil sa iresponsableng statement, pinag-uusapan na naman si Napeñas kaya’t balik- kalbaryo ang kaawa-awang police general.

Hilong-talilong yata si PNoy dahil kung matandain ang Pangulo, nauna na niyang sinabi noon na hindi niya nakakausap si Napeñas tungkol sa insidente. Dahil ayon sa kanya, si suspended PNP chief Alan Purisima ang direktang nag-uulat sa kanya habang nagbabakbakan sa Mamasapano.

Para bang hindi na nag-iisip ang Pangulo sa kanyang mga sinasabi. Presidente, paiba-iba ang sinasabi? Ano ba yan!

CHAIRMAN GILBERT ALEA GISING!

Tutulog-tulog daw itong si Capt. Gilbert Alea ng Sitio Calumpang, Bgy. Alangilan, Batangas City dahil sa kanyang barangay ay lantaran ang pasugalan.

Aba’y mistulang kengkoy, ayon sa Chokepoint informant, si Kap. Alea dahil hindi mapahinto ang tupadahan, color games at baklayan sa kanyang lugar.

Isang dating kapitan ng barangay, kasama ang isang alyas ‘Ramiro,’ ang itinuturong maintainers ng nasabing mga iligal. Dapat ay magpakitang-gilas naman itong si R4A Director Gen. Edwin Erni. Sir, hulihin mo nga ‘yang mga sugalan diyan sa barangay ni Chairman Alea.

Tingnan natin kung kikilos si Gen. Erni. Abangan. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>