MAGANDA ang balak ng ating mga awtoridad na bigyang focus ang turismo sa Palarong Pambansa at iba pang sports events.
Noong Konsehal ako ng Quezon City, masigasig kong binigyang-diin at sinuportahan ang sports tourism.
Naging advocacy ko ang mga sports tourism project kung saan ang mga ginagawang sports event ay tied up sa tourism aspect.
Halimbawa ay ‘yung Quezon City Philippines versus the World Billiards Tournament kung saan ang mga Pinoy billiards player ay kinalaban ang ilang world all-stars.
Nangyari rin ‘yung Torre versus Antonio chess matches na ginawa namin sa mga tourist destination sa QC.
Magandang timpla ang sports at tourism.
Kaya nga maraming bansa ang gustong mag-host ng mga international game gaya ng Olympics at mga international tournament dahil maganda at effective na panghatak ng mga turista ang mga sports event.
Sa atin ay maraming magagandang lugar na pwedeng maging venue ng mga sports event.
Marami tayong magagandang beach para sa mga beach sports tulad ng beach volleyball kung saan nag-e-excel ang ating mga lady athlete o kaya ay surfing na sikat na sikat ngayon. Maraming magagandang mountain treks.
Madaling mag-invite ng mga international sports star dahil exciting na tourist destination ang ating bansa.
Hindi ba nga, kailan lamang ay nagsipuntahan dito ang ilang world tennis superstar para sa ilang exhibition game?
Parang magiging two birds with one stone, mapo-promote pareho ang sports at tourism at the same time.
Sana’y mapag-aralan ang tamang approach sa ideyang ito ng sports tourism.
Natutuwa ako at may mga nagbabanggit na sa posibilidad nito, na noon pa man ay pilit ko nang binibigyang pansin.
Maibibida natin ang mga atletang Pinoy at sisigla pa ang turismo.
Kikita ang buong bansa sa kabuuan dahil magbibigay sigla sa ekonomiya. And at the same time ay magkakaroon ng mas maraming international sports event dito sa atin na mas magiging favorable sa maraming Pinoy na sports enthusiasts by heart.
o0o
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
