Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAGONG YOLANDA AT PAM PAGHANDAAN

$
0
0

MUKHANG hindi na mapipigilan pa ang pagdating ng mga super bagyo.

Nobyembre 8, 2013 nang manalasa ang bagyong si Yolanda sa mahal kong Pinas at pumatay ng nasa 8,000 katao, kabilang na ang mga nawawala hanggang ngayon.

Nitong nagdaang Sabado naman ay nanalasa sa bansang Vanuatu ang mala-Yolanda ring bagyo.

Marami na ang patay subalit naghahanap at naghuhukay pa ang mga taga-Vanuatu upang malaman ang kabuuang bilang ng mga ito.

SINA PAM AT YOLANDA

May pagkakahawig sina Yolanda at Pam.

Para sa mga awtoridad ng panahon na sumusubaybay sa mga bagyo, nagtaglay sina Yolanda at Pam ng mga sobrang lakas ng hangin, ulan at malalaking alon.

Nagkaroon si Yolanda ng katamtamang hangin na 235 kilometro kada oras at bugsong 315-375 kilometro kada oras.

Nagdala naman si Pam ng katamtamang hangin na nasa 215 kilometro kada oras at bugsong umabot sa 305 kilometro kada oras. Habang may taas na 7.5 metro ang nilikhang alon o storm surge ni Yolanda, nasa 8 metro naman ang ginawa ni Pam.

Matindi ring pagbaha ang idinating ng dalawang bagyo na nagdala rin ng malalaking baha sa dalawang lugar. Habang nasa 8,000 ang patay sa Pilipinas, kabilang na ang nawawalang libo, nagbibilang pa ang mga taga-Vanuatu ng kanilang mga patay.

Nasa 4 milyon katao ang nahirapan dahil kay Yolanda pero ang kabuuang nasa 260,000 populasyon ng Vanuatu ay naapektuhan lahat.

SIRA LAHAT

Katulad ng nangyari sa Yolanda, mga Bro, nakaaawa rin ang kalagayan ng mga taga-Vanuatu.

Kung paano nasira ang buhay at ari-arian ng maraming tao sa Pinas kay Yolanda noon, ganito rin ang nasaksihan ngayon sa Vanuatu.

Hindi tayo magtaka kung isang araw ay kabilang sa nasa 200 Pinoy ang napinsala o namatay sa bagyo roon.

Ngayon ay nananawagan na ang Vanutatu ng tulong mula sa kahit kanino ukol sa mga patay at buhay.

Kailangan nila ng tulong para sa paglilibing nang maayos, pagkain para sa mga nagugutom, tubig sa mga nauuhaw, tahanan sa mga nawasakan ng bahay, gamot sa mga nagkasakit, nabalda at nasugatan at marami pang iba.

Kung gaano tayo lumuha lahat sa kalagayan ng mga na-Yolanda, ganito rin tiyak ang ating damdamin para sa mga taga-Vanuatu na biktima ni Pam.

God bless us all.

REHABILITASYON

Balik tayo sa Pinas, mga Bro.

Sinasabi ng pamahalaan na mayroon nang ilang daang bahay ang nagawa nito para sa mga na-Yolanda.

Iba pa ang mga itinayo o itinatayo pa ng mga pribadong tao at kumpanya, lokal at dayuhan.

Salamat naman sa lahat ng ito.

Siyempre pa, pasalamatan natin ang lahat ng mga nakaisip na tulungan ang mga nawalan, mga naulila at iba pang biktima na magkaroon ng hanapbuhay.

Hanggang sa masabing nakatayo na ang mga ito upang magpatuloy sa pagtahak ng normal na buhay.

‘Yan ang tinatawag na rehabilitasyon.

TINIMBANG NGUNIT KULANG

Pero habang nagtatagal ang panahon, mga Bro, lumilitaw naman ang mga kapaba-yaan at pagsasamantala sa mga biktima.

Pinakahuling balita ang pagbabangko ng Office of the Civil Defense ng halos P50 mil-yong halaga ng donasyon mula sa iba’t ibang tao at kumpanya.

Anak ng tokwa, ano ngayon ang gagawin sa salaping iyan na tumubo na ng malaki?
Mayroon bang nakikinabang diyan, gaya halimbawa ng mga nagwi-withdraw ng interes ng malaking halagang ‘yan…kung meron man.

Noong una, mga Bro, ang mga taga-Social Welfare and Development ang nasasangkot sa mga katakot-takot na kabulukan sa mga donasyon.

May mga politiko ring nagnais na magsamantala sa mga konstraksyon ng mga bahay at bilihan ng mga lupa na pagtatayuan ng mga pabahay.

Ano-ano naman ang mga susunod na kalokohan na gagawin ng mga nasa pamahalaan, huh?

Kung mawawala na si Rehab czar Ping Lacson na kilalang anti-corrupt, ano-ano ang mga mangyayari?

Sana naman hindi puputaktihin ng demonyo sa pamahalaan ang mga biktima.

MAGHANDA

Sa gitna ng lahat ng ito, mga Bro, ang talagang gusto nating tumbukin ngayon ay ang paghahanda ng mga kinauukulan sa pagdating ng iba pang mga Yolanda at Pam.

Baka naman panay ningas-kugon ang aksyon ng mga kinauukulan. At magagaling lang sa pagnanakaw at pandurugas sa mga donasyon at biktima ang mga anak ng putakteng ito.

Diyan na siguro mabibitay nang patiwarik ang mga hudas na ito.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate. ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>