Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NPA, PUMASLANG SA SAF 44?

$
0
0

LUMABAS na ang resulta ng Board of Inquiry (BOI) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa Mamasapano, Maguindanao tragedy kung saan walang awang pinaslang ang 44 miyembro ng elite Special Action Force (SAF).

Kalat na kalat ang balitang malaki ang kinalaman ng NPA sa pamamaslang sa mga bagong bayani ng Pilipinas sa bagong panahon.

Ang SAF 44 na nagbuwis ng buhay ang nagmulat sa mata ng mga mambabatas na maraming butas ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law.

Pero sa totoo lang, namulat ang mga mambabatas na ibinebenta pala ang Pilipinas at mismong pera ng taumbayan ang gagamitin upang mabigyang katuparan ang otonomiya ng BBL.

Aba’y napakaliit na nga ng Pilipinas ay mababawasan pa kapag nawala na ang Mindanao.

Base sa ulat ng BOI na pinangunahan ni Dir. Benjamin Magalong, may pananagutan sina Pangulong Benigno Aquino III, resigned PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima at dating SAF chief Dir. Getulio Napeñas.

Ayon pa sa ulat, lumabag sina Pangulong Aquino, Purisima at Napeñas sa protocol dahil hindi ipinaalam ng mga ito kay Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina ang tungkol sa “Oplan Exodus.”

Mabuti na lang at may katulad nina Magalong at Sr. Supt. Robert Po, deputy spokesperson ng PNP, na naninindigan sa bayan at hindi nagbubulag-bulagan sa katotohanan. Sila ang mga tipo ng opisyal na ang pinaniniwalaan at pinaglilingkuran ay ang Saligang Batas at hindi ang nakaupong nagdidikta sa gobyerno.

Maysala ang NPA sa naganap na trahedya sa Mamasapano, Maguindanao. Pero hindi po ito ang New People’s Army.

Ang NPA po ay tumatayo bilang NAPENAS, PURISIMA at AQUINO.

Hindi na maikakailang sila ang mga may pagkukulang kaya naganap ang masakit na katotohanang pinaslang, binaboy ng mga kalaban ng pamahalaan ang mga miyembro ng SAF.

Ipagtanggol man sila ni DILG Sec. Mar Roxas, hindi na mabubura sa isipan ng mga mamamayan na bulag, pipi at bingi ang mga kinauukulan kaya hindi matanggap na sila ang may sala sa pangyayari.

Dapat lang na magbayad sina Napeñas, Purisima at Aquino sa taumbayan sapagkat sila’y kabilang sa mga salarin.

Kahit anong pagtatakip ang gawin ng Palasyo sa pamilya, kahit anong panunuhol pa ang itapat nila sa pamilya, mananatiling malinaw sa isipan ng marami na malaki ang atraso ng NPA sa pamilya ng SAF 44 at maging sa taumbayan.

Huwag na sanang magbulag-bulagan ang mga mamamayan sapagkat kinabukasan ng ating bayan ang nakataya sa mga kaganapan sa bansa. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>