Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKAISANG TAON NA NAMAN

$
0
0

TAPOS na naman ang isang school year.

Parang kailan lang, kabubukas lang ng klase at ang mga isyu ay classroom, or lack of it, textbook ratio, kakulangan ng teachers at ang sobrang taas ng gastusin ng mga magulang sa pagpapaaral ng anak.

At ngayon nga ay graduation na para sa iba, at papirmahan ng clearance naman ng iba, dahil Marso na at tapos na o malapit nang matapos ang isa na namang taon sa eskwela.

Kabi-kabila naman ang imbitasyon sa mga politiko para makapagbigay ng inspirational messages.

Parang pinagbawal na ito pero hindi pa rin maiwasan na maimbitahan ang mga public official sa mga graduation rite.

Ako, excited ako lagi sa mga graduation event kasi nakikita ko ang excitement sa mga graduate at nakikita ko ang pride sa mga teacher, lalo na sa mga magulang.

Naging magulang din ako last year na may nag-graduate na anak, sobrang masarap ang pakiramdam kapag nakita mo ang anak mo na maglakad sa stage para kumolekta ng diploma.

Sa ibang magulang na mahaba pa ang biyahe bago matapos ang mga estudyante nila, may sigh of relief din kahit papaano, kasi nakatapos na naman ng isang taon, nakaraos ng 10-buwan ng araw-araw na gastusin at paggising ng maaga para sa paghahanda sa mga estudyante.

Ang mga magulang ang dapat nating bigyan ng mataas na pagpupugay ngayong graduation season. Lalo ang mga mahihirap na iginagapang ang kanilang mga anak para makapag-aral.

Ang mga magulang na ang dasal ay para sa araw-araw na makaraos, ang mga magulang na parang nabunutan ng tinik dahil nakaisang taon na naman sila.

Pero hindi sayang ang paghihirap nating mga magulang, kahit pa may mga offer ng ibang klase ng edukasyon ngayon, ay mahalaga pa rin ang college education.

At malaki pa rin ang maitutulong ng edukasyon sa kolehiyo para sa kinabukasan ng ating mga anak.

Mabuhay ang mga magulang, mabuhay ang estudyanteng Pinoy.

o0o
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>