Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

THE STATE PESTS – 2

$
0
0

SA sinundan na kolum nito, pinitik natin ang Malampaya Natural Gas Plant sa Palawan na pinatatakbo ng napakaswerteng Shell Philippines at Chevron Corporation na dating Caltex Philippines. Inuna natin ang mga pesteng tao sa likod ng gawa-gawa nilang power shortage.

Ngayon, balik tayo sa isyu ng Malampaya plant. A few years ago ay isinulat natin ito habang binobola ng mga taga-Shell at Chevron ang ating mga mambabatas at ilang opisyal ng Malacañang under BS Aquino 3 para sa extension of management, maintenance and total operation.

Nagtagumpay ang Shell at Chevron. Nabigyan sila ng Kongreso sa ayuda ng Malacañang. Binigyan sila ng panibagong 25 – 50 taon para patakbuhin ang Malapampaya plant sa kabila ng malakas na pagtutol ni Party-list Congressman Neri Colmenares at mga Kasama.

Ano pa ang magagawa natin? Malaki! Kailangan na rebisahin ang sistema ng hatian sa pagitan ng Malampaya operators at Government of the Republic of the Philippines (GRP).

Sa ngayon kasi, 10% lang ang ibinibigay ng Shell at Chevron bilang parte ng estado at 90% ang ibinubulsa ng dalawa. Sa sampung porsyento na iyan, diyan pa kinakaltas ng Shell at Chevron ang badyet para ipambili ng mga nasisirang piyesa at maraming gastusin sa maintenance.

Malaking kagaguhan at malaking katiwalian ito. Kung sinoman ang mga hindot na opisyal ng estado ang personal na nakikinabang sa halip na ang bansa at mamamayan, kailangang talupan ito ng buhay at itapon sa bumubugang apoy sa tubo ng Malampaya!

Sa ipinakita sa Senado na tapang nina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes, aber, tingnan nga natin kung kaya ninyong busisiin ang matagal nang panloloko sa atin ng Shell at Chevron?

Noong naisulat natin ito ay nakalampag natin ang dalawang kumpanyang iyan.
With all innocence, a not-so-mutual-friend approached me at nagsabing kakausapin daw tayo ng dalawa but I said I will never talk or see them.

Nagpaalam naman na kilala raw kasi niya ‘yung PR nila at “magtatanong lang.” After few days, “Handa raw magbigay ang Shell at Chevron sa akin (?) ng monthly allowance (!)” just to stop writing on the issue.

Dahil sa rami ng usaping bayan, normal na sumulat tayo ng ibang artikulo rito sa BALETODO. Aba, aba, nakita na lang natin sa social media ang pamamasyal ng once upon a time a not-so-a-friend ay naglilibot na sa iba’t ibang bansa? BWAHAHAHAHAHAHA!

MGA PESTE SA ATING ENERHIYA ang nagpapatakbo ng Malampaya Plant. Higit sa lahat, dapat pagbayarin sila ng tama at ITAMA ANG HATIAN NG BIYAYA!

Kaya ba ng mga mahuhusay at nagyayabang na mga mambabatas ito? Election is very near! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>