Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PASOK SI DUTERTE

$
0
0

MARAMING beses na tayong nagkolum, kasama na ang “Badismo” ngayon sa Remate Express.

Ngayon, papasok tayo sa Remate, ang pahayagang higit nang 23-taong namamayagpag at gumagawa ng kasaysayan sa Pilipinas. Kaya, magiging bahagi tayo ng kasaysayang iyan.

o0o

Inilabas kamakailan ang sarbey ng Pulse Asia tungkol sa presidentiables. Sina Jejomar Binay (29%), Grace Poe (14%), Joseph Estrada (12%), Rodrigo Duterte (12%), at Miriam Defensor-Santiago (9%) ang nangunguna sa sarbey.

Ang nakagugulat ay pumasok si Duterte sa magandang puwesto na dating wala sa listahan dahil hindi pa nag-anunsyo ng kanyang kagustuhang tumakbong pangulo.

Pero, umatras agad dahil sa kakapusan umano ng pondo. Tapos, nakakuha pa siya ng 12% mamamayang gusto siyang maging presidente.

Malakas din si Poe sa pagiging pangalawang pangulo. Katunayan, siya ang nagunguna rito.

LAGLAG SI MAR ROXAS

Wala si Interior Sec. Mar Roxas sa ‘Top 5’ ng Pulse Asia Survey. Pangpito siya na may 4%.

Bakit kaya? Madalas naman siyang laman ng balita. Katunayan, palaging mahaba ang kanyang exposure sa TV kahit hindi naman dapat.

Nasaan ang problema?! Si Mar Roxas ba mismo ang problema?! Kailangang baguhin ni Roxas ang kanyang diskarte.

Iyong diskarteng ramdam ng masang Filipino ang katapatan sa pagbibigay ng pahayag sa publiko.

LOWER BICUTAN, WALANG PASOK

Bago maghatinggabi hanggang bago magliwanag kinabukasan ay walang tanod sa Bgy. Station ng Bgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Nagdeklara bang walang pasok si Kapitan Aurelio Padilla?

Hindi mo ba alam Kapitan Padilla na delikado sa area ng Hagonoy Bridge? Bakit wala kang tanod na itinatalaga sa lugar na ‘yan?

Si Kapitan Renato “Boyet” Gutierrez ng katabing barangay ay nagtalaga ng tanod.

Kaya, magtalaga ka na rin bago ka tanggalin ng taumbayan sa eleksyon!

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>