Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CHECKPOINT MAGANDA, KUNG NAGTSE-CHECKPOINT NGA

$
0
0

WALASTIK naman itong pulis na nagngangalang Sgt. Agrimano na gumagamit ng alyas na Greg. Madalas itong mapagkikita na umiikot sa mga bahay-putahan, sugalan, beerhouse at iba pa.

Pati yata sa mga drogahan (hindi ko lang alam kung totoo ito) ay umo-orbit ang mamang ito at kanyang hinihingan ng ‘tongpats’gamit ang pangalan nina NCRPO chief Gen. Mel Valmoria at PNP OIC Gen. Leo Espina.

Gabi-gabi rin ay nagpapakita si alyas Greg sa mga bahay-aliwan gaya ng mga night club, sauna bath, KTV bar at iba pa hindi para manghuli ng mga kababuyan na nangyayari sa loob ng mga bahay-putahan kundi para manghingi ng lingguhang tongpats.

Ang matindi pa rito kay Sgt. Agrimano ay ipinagmamalaki n’ya na ‘pader’ siya kina Gen. Espina at Gen. Valmoria dahil ‘yung mga tongpats na kinokolekta n’ya sa mga kailigalan ay gagawing pondo ni SLIG Mar Roxas sa nalalapit na 2016 eleksyon.

Ganon ba?

Kiningining ina niyo…

LOTTENG EMPIRE NI GATDULA PADER

Halos sampung dekada nang nagpapa-lotteng sa lalawigan ng Batangas itong si Peping Gatdula nang hindi man lamang ito hinuhuli o ipinahuhuli ng mga alkalde ng bawat bayan na talamak ang operasyon nito.

Ewan ko ba kung bakit hindi mapatigil nina Calatagan Mayor Sophia Palacio, Calaca Mayor Manny Ona, Agoncillo Mayor Daniel Reyes at Nasugbu Mayor Charito Apacible ang talamak na operasyon ng lotteng ni Peping Gatdula sa Batangas.

E, ayoko namang isipin na kaya hindi ipinahuhuli ng mga akaldeng ito si Gatdula ay dahil kasama ang mga ito sa logbook sa mga tumatanggap ng lingguhang ‘payola’ sa lotteng.

Mantakin n’yo,sampung dekada ng maglo-lotteng itong si Gatdula at kung sino-sino na ang mga alkalde ang naupo sa mga nabanggit na bayan pero hindi pa rin nagigiba ang emperor ng lottengan  ni Gatdula sa lalawigan ng Batangas.

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>