Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KOTONG COPS NG CRAME AT BUMBERONG VENDOR

$
0
0

benny antipordaBIGYAN naman natin ng espasyo ang ating mga reader upang maihayag nila ang kanilang mga damdamin, paninindigan, kaalaman, reklamo at kahilingan sa iba’t ibang bagay.

PINABAYAAN NG MONTENEGRO

Sir gud pm. Ako po si Mike Pamesa taga-Masbate City. May ipaaabot lang po akong reklamo sa pamunuan ng Montenegro Shipping Lines Inc. na may office address sa Abacan Subd., Calicanto, Batangas City. Nabangga po kami ng isa sa Roro bus nila noong Dec.16, 2012. Namatay po ang anak kong 11yrs. old, Elementary graduating this coming March. Pero wala man lang kaming natanggap na kahit anong tulong galing sa kanila. 0910404….

SUPORTA KINA KIRAM

Dear Sir, sana po suportahan natin ang kapatid na si Sultan Kiram. Sila po ang tunay na may-ari ng Sabah. Kababayan natin si Sultan Kiram. Ako ay Kristiyano pero sino pa ang magtutulungan kundi tayong mga Pinoy. Bakit kailangan pang takutin nang takutin ang ating gobyerno? Sila ang may-ari ng Sabah. Kapatid na Sultan Kiram, tama na kayo ang may-ari ng Sabah. Tulungan natin sila. Umuupa lang ang Malaysia sa Sultan ng Sulu tapos aariin na nila? Ano sila sinu-suwerte? Iyon lang po, maraming salamat. Mabuhay ang Sultan ng Sulu. 0923448….

PRINSIPYO AT PANININDIGAN

Good day po, Sir Benny, panawagan ko lang po sa lahat na sana po ay suportahan natin ang paninindigan ng ating kapatid na si Sultan Kiram. Tunay po akong sumasaludo sa paninindigan niyang mabawi ang lupain ng Mahal kong Pilipinas. Favorite subject ko po ang U.S at Oriental History noong ako ay nasa hayskul at minsan naging topic namin ang tungkol sa Sabah at totoo po na tayo ay may karapatan. Ang ipinagtataka ko lang po sa ating mga naging pinuno ay kung bakit pinabayaan ang ating karapatan, katulad na lang po ng Panatag Reef. Sana po ay suportahan natin ang Kapatid na Kiram sa kanyang laban. GISING NA PO BAYAN! More power po & God Bless! 0999676….

BUMBERO DI NAGDYU-DUTY

Sir Benny, dito sa Antipolo ‘yung mga bumbero hindi nagdyu-duty hanggang ngayon. ‘Di parin nagdyu-duty komo nagbibigay sila sa hepe ng pera galing sa fire extinguisher. Timawa na ang hepe ng bumbero rito sa Antipolo. Maski ‘di mag-duty ang mga bumbero basta meron siyang pera galing sa fire extinguisher. Ito ‘yung mga pangalan ng mga hindi nagdyu-duty: SFO3 Vergara, sfo1 Cantillon, sfo1 San Diego at SfO2 Sendin. Mga matataas sa bfp, pakiaksyunan ito. Marami pa namang responde ngayon. 0920538….

PASASALAMAT

Marami pong salamat, Ka Benny, sa pagbibigay ng daan sa iyong pitak ang iskam sa retiree differential. Harinawa makarating po ito sa kaalaman ni Pangulong Noynoy para mai-release na ang differential pay naming mga pulis retiree. Thanks again, Ka Benny. Mabuhay ang lahi ninyo! 0915287….

DROGA ‘DI NATITINAG

Good am po, Kuya Benny Antiporda. Alam ko po na may ginawa kayong aksyon para masugpo ang droga rito sa Legazpi kasi nalaman ko na ni-raid ang Sabang Bitano at naka-hotlist ang iba pang barangay rito sa Legaspi. Pero hindi po nasugpo ang bentahan sa Brgy. Sabang dito sa Legazpi. Modernized na nga po sila, may cctv na po sa labas ng entrance ng Sabang. Kapag duda po sila at bagong mukha ang nasa monitor, may sasabit daw po pag pumasok sa entrance ng Brgy. Sabang at tatanungin kung anong hinahanap o sa-an pupunta. Hindi raw po iniiwan hanggang umalis. May nagsabi nga po sa akin na pag namali raw po ng kilos at napagdudahan, mabuti raw po kung makalabas ka pa. Pero po pagkilala nila na adik or buyer very welcome po sa kanilang barangay. 0917583….

BDO WALANG UPUAN

Good am po. Pakikalampag naman po ang pamunuan ng BDO. Dapat itawag sa bangko na ito, e, Banco De Otas! E talaga naman pong mauutas ka pag nag-deposit o nag-transact ka sa kanila.

Biro n’yo ho, nakatayo sa mahabang pila ang mga pinaglilingkuran nilang kostumer na parang pumipila para manghingi ng relief goods.

Por dios por santo! Maawa naman po sana ang bangko na ito sa mga depositor na bumubuhay sa bangko nila. Maglagay naman sila ng upuan. Hindi ba nila naririnig ‘yung mga daing at galit na sinasabi ng depositors pag nakapila sa kanila? Please naman, find a way para maging komportable ang mga kostumer ng bangko n’yo. Sa pagtangkilik sa inyo tulad ng sinasabi ng slogan n’yo. 0947872….

KOTONG COPS NG CRAME

Sir good am po. Sir, may itatanong po sana akong unit sa Crame if totoo at kung dapat po itong bigyan ng lingguhan na pakikisama. P250 per unit at P200 per activity raw po ang hinihingi. Ang unit pong itatanong ko ay (I.G., DSOD, CIDU). Ito raw po ay unit at tao ni Insp. Larie Javier ng CIDG Crame at enkargado ng I.G. Crame. Ang humihingi po ay nagpakilalang Tata Wax. ‘Pag di raw po kami nagbigay ay huhulihin at paaalisin kami rito sa tinitindahan namin. Sana po ay maaksyunan n’yo po ang tanong namin. Nakatatakot po silang magsalita at kahit kernel daw po ay hinuhuli ng unit nilang I.G. Crame. Salamat po. God bless. 0916399….

TRABAHO MUNA BAGO KAMPANYA

Mangangampanya raw si PNoy rito sa District 4 ng Camarines Sur. Asikasuhin niya muna ang problema ng bansa tulad ng Scarborough Shoal at Sabah. 0907875….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>