Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PIYA-IT PERO MILYONES ANG KITA SA BURIKI NG BEANS

$
0
0

BILIB naman ako sa tibay ng ‘buriki ng soya beans’ nitong si Gisting ng Pulilan sa Bulacan.

Kung titingnan mo ang paburiki ng soya beans ni Gisting ay iisipin mong ito’y piya-it-piya-it lang.

Pero ‘wag ka, ‘di ito small time dahil ang operasyon na ginagawa ni Gisting ay 24 hours at halos hindi na nga natutulog ang mga bataan niya sa pagbuburiki sa soya beans.

Mantakin n’yo, sa pagbuburiki lang ng soya beans ni Gisting ay umaabot na sa milyong piso ang nakukulimbat niya araw-araw.

Ginagawa ng grupo ni Gisting na front ang parking area sa likod ng Shakey’s sa harap ng canteen upang makaparada ang mga truck at kunwari ay kakain ang mga  truck driver sa canteen.

Habang kumakain ang mga driver ng truck, ang grupo o mga bata naman ni Gisting ay isa-isa nang binuburiki ang mga sako-sakong soya beans na karga ng mga truck.

Ang modus operandi ni Gisting ay ganito: habang tumatakbo pa lang sa NLEX ang mga cargo truck ng soya beans ay isa-isa nang kinokontak ni Gisting sa cellphone ang mga driver para maisaayos ang negosasyon sa presyo ng pagbuburiki.

Ang nagsisilbing kontak ni Gisting sa operasyon na ito ay ang mga kapwa nitong buriki operator na sina Tolits ng Porac at alyas Tibay ng Malaganag, Pampanga.

BOOKIES, BOOKIES, BOOKIES SA MAYNILA

Sa Maynila naman ay patuloy ang operasyon ng bookies ng karera ni Jeff Concepcion na may codename noon na Jeff/Mia.

Ngayon, Lagalag na ang codename. Nagsimulang mag-operate ng bookies ng karera si Jeff sa ilang piraso lang sa Tondo.

Pero ngayon ay halos kadikit na nito ang lahat ng mga malalaking operator sa Maynila. Pati sa Sta Ana, Malate, Sampaloc at Binondo ay napasok na rin niya.

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>