“AT ALL COST” ang gusto ni Pangulong Benigno Aquino III para maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
BBL ang gusto ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para matigil ang digmaan sa Mindanao. Si Pangulong Aquino at ang MILF sa ilalim ng BBL ay naghahabol daw ng kapayapaan?
Gaano katapat si Pangulong Aquino at MILF sa usapin ng kapayapaan?
Ano ba ang tunay na layon ng MILF sa pagtatayo ng BBL sa Mindanao?
Anong sistema ang gustong ipamahala ng MILF at nakumbinse si Aquino?
Kung totoo at tapat ang MILF na makamit ang pag-unlad sa pamamagitan ng sariling pamamahala, nandiyan na ang Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).
Ang ARMM ay kinikilala hindi lamang ng Organization of Islamic Conference (OIC) kundi na ang United Nations (UN). Busog ang ARMM sa biyaya at pondo mula sa pamahalaan.
Apat na administrasyon bago pa man maupo si Pangulong Aquino.
Malaya ang operasyon ng pamamahala ang ARMM bilang isang awtonomiyang rehiyon. Awtonomiya. Sarili at malayang pamamahala. Kumpleto ang pondo at may sariling lokal na administrasyon.
Malinaw ang estado ng ARMM. Isa ang malinaw. Nakasakay sila sa SALIGANG BATAS NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NAMAMAHALA AT KUMIKILOS SA IISANG BANDILA, ISANG PUWERSA MILITAR AT PULISYA.
Sinabi ni Aquino na “failed experiment” ang ARMM! Iyan din ang sigaw ng MILF.
So magkasundo sila talaga.
Kung bagsak nga ang ARMM, dapat alam ni Boynoy at MILF ang solusyon para magtagumpay ang autonomous region. I agree with them.
ARMM failed not because of the system but the early leaders tasked or elected as the autonomous governor. Much money have been shared by the national government, better than any other region in the country, yet, it failed.
Huwag na natin tukuyin kung sino sila na mga pabayang lider ng ARMM. Ito ang dapat na solusyonan ni Aquino at ng MILF.
Our unsolicited advice then is to give the leadership and governance of ARMM to MILF.
Diyan maipakikita ng MILF at ni Aquino ang katapatan nila sa pag-abot ng kapayapaan sa Mindanao. Hindi na kailangan ang Malaysia o anomang bansa kung sila, sina Aquino at MILF ay tapat sa kanilang sinasabing pagtatapos ng giyera sa Mindanao at pagyakap sa KALAYAAN AT KAPAYAPAAN.
Filipino lamang ang makalulutas sa problema ng kapwa Filipino at Pilipinas! Isantabi ang politika. Isantabi ang makasariling interes. Isantabi ang karahasan at kayabangan.
Sige, ipamahala ang ARMM sa MILF at itigil ninyo ang BBL. Kung ayaw ito ni Aquino at MILF, hindi kapayapaan ang kanilang gusto. Kataksilang bayan, wala ng iba pa! BALETODO/ED VERZOLA

