Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BBL IPANANAKOT BA SA ATIN?

$
0
0

GINAGAMIT bang panakot ng mga opisyal ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Bangsamoro Basic Law (BBL) para ito ay pumasa sa Kongreso?

Nagbabala si government peace panel chairperson Miriam Coronel-Ferrer na kapag hindi naaprubahan ang BBL ay baka humiwalay sa MILF ang ibang miyembro nito para bumuo ng grupo na tulad ng kinatatakutang rebeldeng ISIS at al-Qaeda, para isulong ang ibang adhikain gamit ang karahasan.

Batid ng lahat na marami sa ating mamamayan, pati na sa hanay ng mga mambabatas, ang nagduda sa katapatan ng MILF matapos nilang imasaker ang 44 Special Action Force (SAF) commandos na pumasok sa kanilang teritoryo sa Mamasapano, Maguindanao para hulihin ang dalawang kilalang terorista noong Enero 25.

At marami na rin ang nagduda sa mga kumakatawan sa government peace panel dahil sa tono ng kanilang pananalita ay parang mas kampi pa sila at pumapabor sa MILF sa kabila ng kalupitang ipinalasap ng mga ito sa ating kapulisan.

Maging si MILF chief negotiator Mohagher Iqbal ay nagsabi na wala raw ibang pagpipilian ang bansa kundi ang tiyaking matuloy ang BBL.

Sa kabila ng trahedyang naganap sa Mamasapano ay parang nakatitiyak silang papasa pa rin ang BBL sa Kongreso.

Kapag hindi nakalusot ang BBL ay madaragdagan umano ang pagkabigo at pagiging dismayado ng mga Muslim, ang kawalan ng batas sa maraming bahagi ng Mindanao at magsisiklab ang karahasan.

Hindi rin daw nila isusuko ang kanilang mga armas.

Hindi ba nagkakatugma ang nilalaman ng kanilang mga pahayag at babala na kaguluhan pa rin ang maaaring ibunga kapag hindi pumasa ang BBL?

Hindi ba nila naisip na lumalabas na tinatakot na nila ang Kongreso sa mga pananalitang ito?

Tiyak naman na wala silang maipakikitang katibayan na hindi nga mangyayari ang mga bagay-bagay na kanilang tinuran kapag pumasa ang BBL.

Alalahanin na ang grupo ng MILF ay isa lang sa maraming grupo ng mga rebelde na namamayagpag sa Mindanao.

Nariyan ang Moro National Liberation Front (MNLF)  na kontra sa MILF, Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Justice for Islamic Movement (JIM).  Maaaring madagdagan pa ito ng ibang grupo na hindi komporme sa BBL.

Marami rin sa mga Kristiyano ang galit at ayaw na matuloy ang BBL dahil sila ang maaapektuhan nang husto sa oras na mabigyan ng kapangyarihan ang MILF para magpatakbo sa Mindanao.

Ngayon pa lang ay may mga Kristiyano na nagsabing handa na silang labanan ang MILF.

Kahit salungat sa ating Konstitusyon ang maraming kondisyon ng BBL ay gusto pa rin itong mapanatili ng government peace panel at ng MILF.

Ang higit na ikinatatakot ng marami ay ang posibilidad na mawalan tayo ng kontrol sa Mindanao kapag nakapasa ito hanggang sa tuluyan nilang maihiwalay ang Mindanao sa bansa.

Hindi ba’t ang tawag ng MILF sa kanilang mga rebelde na pumaslang sa SAF 44 ay Bangsamoro Islamic Armed Forces kahit hindi pa naaaprubahan ang BBL?

Dito pa lang ay marami na ang nag-iisip na wala talaga silang balak magpailalim sa ating militar.

Huwag nating kalilimutan na ilang ulit nang ipinakita ni Iqbal at ng MILF sa kanilang mga pananalita na ang kanilang katapatan ay nasa Malaysia at hindi sa Pilipinas.

Paano natin mapagkakatiwalaan ang isang grupo na walang balak magpasakop sa ating gobyerno?

*              *              *
SHORT BURSTS. Maligayang kaarawan kay Direktor Christopher “Chris” A. Laxa, hepe ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development ng Philippine National Police.

Ika-55 niyang kaarawan sa araw na ito. Binabati rin natin siya sa kanyang promosyon bilang 2-star general noong Abril 1 na sadyang karapat-dapat.

Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>