Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FILIPINOS MUST UNITE!

$
0
0

KUNG kailan magigising ang mayorya ng mga Filipino, ewan lang. Nalulong na ang marami sa sobra ngunit maling proseso ng politika.

Ang nangyayari, labanan at patayan ng mga Filipino kontra Filipino.

Nahumaling ang taumbayan sa sobrang pagkilala at pagsunod sa mga politiko. Dahil lang ito sa isang supot ng bigas, delata, noodles, biskwit at kaunti pa.

Minsan, nakadadale pa ng kaunting barya lalo na sa panahon ng kampanya sa eleksyon.

Kaya naman, hindi nagdalawang-isip ang mga politiko.

Nag-ipon sila ng katakot-takot na perang pambili ng boto kada eleksyon. Ipon sa tamang paraan, ngunit kadalasan ay sa sistemang korapsyon.

Sa pagkahumaling natin sa sobrang politika ng mga politiko, marami ang bulag na tagasunod.

May biyaya o wala, laban at depensa sa kanilang tagapag-alaga. Ang resulta, feeling protected ang politikong korap dahil nabili nila ang mga ito. Tama?

Pero tingnan natin ang nangyayari sa ating Inang Bayan. Lugmok sa kahirapan. Gutom at walang trabaho. Mababang edukasyon at patpat ang mga katawan. Isama ang patuloy na pagsasamantala sa atin ng naghaharing-uri at mayayaman na negosyante.

Sila ang kumokontrol sa buong ekonomiya natin. Sila ang nagdidikta sa ating buhay. Tama ba iyon?

Mag-isip tayo. Hindi lang mga pabaya at korap na lider ng bansa ang tingnan natin.

Ang unti-unti na pagkawala ng mga teritoryo natin. Una ang North Borneo o Sabah na inaangkin ng Malaysia. Malinaw na inuupahan lang nila ang Borneo.
Dokumentado iyan.

Kung matino ang mga lider natin, kakausapin nila ang mga lider ng Britanya at America para kausapin ang Malaysia na ibalik na sa atin ang isla.

Sila ang dahilan kaya napasakamay ng Malaysia ang North Borneo! Isunod ang pag-angkin ng China sa ating mga isla sa Spratlys.

Naghihintay lang ang mga lider ng China na kausapin sila ng lider natin.

Sa halip, mga palihim ang ginawa ng rehimen ni Aquino at nanakot sa mamamayan o mangingisdang Tsino, eh, ‘di nagalit sila at ipinakita ang kanilang malakas na pwersa at kapangyarihan?

Sunod tayo ng sunod sa America. Para tayong asong ulol.

Kahit minsan, hindi tayo tutulungan ng America dahil ang totoo, PANSARILING INTERES lang ang kanilang pakikipagsayaw sa atin.

Mababawi natin ang lahat na iyan kung magkakaisa ang sambayanan.

Tumigil tayo sa sobrang pamumulitika. Buuin ang malakas na pagkakaisa ng bawat Filipino.

Kaya natin iyan at tayo bilang mamamayan ang magpasya at humarap sa mga suliraning katha ng mga  pabayang lider natin! ALL FILIPINOS MUST UNITE NOW! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>