Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAANO ANG BUKAS?

$
0
0

NAGDIWANG ng kanilang ika-23 anibersaryo kamakailan ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) at inihayag nito ang mga balak na mga pagbabago para maiangat muli ang imahe ng PhlPost.

Buong puso ang suporta ko sa mga balak ng PhlPost. Noong Konsehal ako ng Quezon City, isa sa mga binigyang halaga ko talaga ay ang Phlpost o ang kultura o ang sining ng pagsusulat ng liham.

Noon pa man ay nakita ko na ang hindi magandang epekto ng pag-angat ng internet laban sa nakagawian ng Pinoy na magsulat o magpadala ng liham, maski ang telegram ay namatay na rin. Kaya noon pa ay nag-umpisa na ako ng kampanya para hindi mawala ang atensyon ng mamamayan sa Philpost o sa itinataguyod ng ahensiyang ito, nangampanya ako para mabuhay sana kahit papaano ang interes ng kabataan sa pagsusulat ng liham.

Minsan ko nang ginawang isang mahalagang mensahe ang buhay ng mga kartero na unti-unting nawawalan ng saysay dahil konti na lang, o halos wala na, ang nagpapadala ng sulat sa pamamagitan ng koreo.

Hind naman natin maiiwasan ito dahil nga mas mabilis naman talaga ang komunikasyon sa pamamagitan ng email o kaya’y text messages.

Pero alalahanin natin na ang mga dokumento na nakuha natin mula sa ating mga ninuno na bumuo sa ating kasaysayan ay karamihan mula sa mga sulat, diaries at iba pang documented information na ginawa ng ating mga ninuno.

Paano na kaya ang bukas kung wala nang gumagawa ng mga sulat ngayon?

Ang mga document na digital ay pwedeng baguhin at pwedeng palitan pero hindi ang sulat kamay ng mga kwento ng kasaysayan. Ang argumento ko pa noon ay mas masarap talaga naman sana na makatanggap ng liham na sulat kamay dahil damang-dama ang emosyon ng nagpadala.

Sana ay maging matagumpay ang pagsisikap ng PhilPost na muling magkaroon ito ng saysay in the art of communication in the country.

***
Mag-email ng reaksyon at opinyon sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>