Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGPAPALIT NG ULO NG TAO ISASAGAWA NA

$
0
0

SAWANG-SAWA na ako sa pagmumukha moooo!

Ito ang naririnig natin, mga Bro, sa mga nag-aaway na mag-asawa.

Makaraan ang mga sigawan, nababalitaan na lang natin na marami ang mga naghihiwalay na ng landas na mag-asawa.

Pero may paraan para muling magsama ang mag-asawa. ‘Yun ay kung magpapalit ng ulo ang mga ito at magbabagong anyo.

Hehehe!

HEAD TRANSPLANT

Head transplant kung tawagin ang pagpapalit ng ulo.

Pupwede nang magkaroon ng bagong ulo ang isang tao at pupwedeng magmukhang babae ang lalaki o lalaki ang babae.

Pwede ring maging maputi ang dating maitim o itim at dating maputi at pupwedeng maging maganda o pogi ang tinatakbuhan sa kasal na babae o lalaki dahil sa “hindi magandang hilatsa nito.”

Sa ibang salita, sa bisa ng head transplant, pupwedeng magbalikan ang mag-asawa.

‘Yan ay kung magtutugma na ang kagustuhan ng mga ito sa anyo na gusto nila at hindi na nila pagsasawaan.

HINDI IMPOSIBLE

Hindi na nga imposible na magkaroon ng bagong ulo ang isang tao.

‘Yun bang === pupugutan siya at papalitan ang kanyang ulo ng ulo ng iba.

Parang karugtong lang ang pangyayaring ito ng pagpapalit ng mga kalamnan o partes ng tao. Puso, kidney, mata, atay, kamay, paa.

Pupwede na nga ring mga plastic, bakal at iba pa ang mga ipapalit.

Karugtong din ang head transplant ng pagpapalit ng kasarian mula sa lalaki patungo sa babae o kabaligtaran nito.

Isa pa, kung nagagawa na ng mga siyentista ang pagpaparami ng kambing, karnero o tupa at iba pang hayop sa pamamagitan ng cloning, hindi nga imposible ang pagpapalit ng ulo.

Sa cloning, kinukuha ang cell o laman o buto ng hayop at ito ang inaalagaan sa laboratoryo hanggang sa maging ganap na buhay na hayop ang mga ito.

Sa katunayan, ang pagpapalit ng parte ay matagal na ring ginagawa maging sa mga halaman sa pamamagitan ng grafting at iba pa.

Kaya nga ang mangga sa puno ay pupwedeng maging santol sa itaas at maaaring magbunga ang puno ng santol o mangga at ang lasa ay pinagsamang lasa ng santol at mangga.

MAY NAUNA NA

Suspetsa natin, mga Bro, may mga nauna nang pinalitan ng ulo ng tao.

Hindi mangangahas ang isang siyentista na magsapubliko ng head transplant kung wala pa itong nagawang batayan ng proyekto.

Maaaring nagsimula ang mga siyentista sa daga, sa aso, sa baboy, sa unggoy at iba pa. At maaaring pasikretong may ginawa na ang mga ito sa hanay ng mga tao.

Sa rami ba naman ng mga malulusog na tao na nasisiraan ng ulo sa digmaan, sa disgrasya, sa sakit at iba pa.

Hindi kaya nangongolekta ang mga siyentista ng mga ulo at katawan ng mga ito at may mga successful nang proyekto ang mga ito? At ang pagsasapubliko nila ng kakayanan nilang magpalit ng ulo ay palatandaan ng pagiging eksperto sa rami na ng karanasan nila?

NORMAL AT NAKATATAKOT

May mga natatakot sa pagpugot ng ulo.

Karima-rimarim nga naman para sa mga hindi sanay sa ganitong katotohanan sa buhay. Pero kung titingnan ang mundo, normal na gawain ito.

Hindi lang naman sa hanay ng mga kapatid na Muslim ang nagtuturing na normal na gawain ang pagpugot ng ulo.

…Sa mga hinahatulan ng kamatayan.

Punom-puno ang kasaysayan ng pugutan ng ulo maging sa hanay ng mga Kristiyano.

Napakarami pa ngang mamumugot ng ulo na itinuturing na mga bayani ng mga Kristiyanong bansa.

Tingnan ninyo ang kasaysayan ng Europa at malalaman ninyo ito.

Sa Asya, klaro na may pugutan din ng ulo sa mga Koreanovela. Maging ang Bibliya ay may pugutan din ng ulo sa pagitan ng mga mananampalataya ng Diyos at ng mga pagano.

SA PINAS MERON DIN

Sa Cordillera, bukod sa Muslim Mindanao, nakagisnan na natin ang mga mamumugot-ulo na tribu galing sa mga Ifugao, Kalinga at iba pa.

Bahagi ang pagpugot ng ulo ng pagkamit ng katarungan sa mga patayang nagaganap sa pagitan ng mga tribu.

Pagpapatunay rin ito ng pagiging lalaki at pagsisimula ng kakayahan na maging matatag na asawa.

MAHIGPIT NA BATAS

Sakaling hindi na mapipigilan ang head transplant gaya ng pagpapalit ng puso, kasarian, kidney, mata, paa, kamay at iba pa, dito na nangangailangan ng mahigpit na batas para hindi ito maabuso.

Hindi dapat na daanin sa head transplant ang pagkukubli ng krimen, pagsasamantala, pang-aabuso, ikasisira ng tao at sangkatauhan at iba pang kademonyohan.

Dapat ay para sa tunay na kapakinabangan ng lahat, ng bawat taong sasailalim nito.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>