ISA sa pinaka-controversial na tao ngayon ay si Teresita Deles na tagapagtanggol ng Bangsamoro Basic Law at presidential adviser on the peace process.
Dahil sa mga critic ay si Deles (tunay niyang pangalan) ay pro-Muslim Islamic Liberation Movement (MILF) na ang spokesman at chief negotiator naman ay si Mohagher Iqbar (hindi niya tunay na pangalan).
Uso sa atin ang pagkakaroon ng mga alias o palayaw, katulad ni Deles alias Ding, Corazon Soliman alias Dinky, Florencio Abad alias Butch, Manuel Araneta Roxas II alias Mar.
Ganoon din naman si Joseph Ejercito na alias Erap Estrada, o kaya ay PNoy or Noynoy na ang tunay na pangalan ay Benigno Simeon Cojuangco Aquino.
Kataka-taka lang na ang apelyidong Cojuangco ay hindi ginagamit ni Noynoy. Ang middle initial niya ay S o Simeon na first name naman ng kanyang lolo.
Ang mga alias ay naglipana, at ang mga masasamang loob ay karamihan ang may sariling mga alias o tukso, katulad nina Boy Golden, Boy Sundo, Boy Bulag at kung ano-ano pang bansag.
Si Ding, si Dinky, si Mars at si Butch ay mga batang Gloria Macapagal-Arroyo na ang bansag naman ay Hyatt 10. Hate na hate ni Noynoy si Tita Glo pero type naman niya ang Hyatt 10.
Si Ding Deles ang peace negotiator ni Tita Glo at sila ang nagsulong ng isang joint memorandum of agreement para sa Muslim Ancestral Domain at ng Bangsamoro Juridical Entity sa tulong ng Malaysia.
Declared unconstitutional ang MOA-AD at pag-upo sa Palasyo ni Noynoy ay isinulong naman niya ang BBL o Bangsamoro Basic Law na mukhang kopya rin at may basbas pa rin ng Malaysia.
Liberation front ang MILF na ang tunay na layunin ay liberation o kalayaan at hindi ito alias lamang. Independence ang layunin at hindi autonomy. DEEP FRIED/RAUL VALINO