Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALPAK SI GOB. VILMA SANTOS-RECTO

$
0
0

KAPAG tumakbo ng gobernador ng Batangas si Luis Manzano ay siguradong talo sapagkat lumipat sa kanya ang pagkawasak umano ng pangalan ng kanyang inang si Gobernadora Vilma Santos-Recto dahil sa talamak na operasyon ng jueteng, bookies at tupada sa lalawigan.

Totoo po ba, Gobernadora Santos-Recto na nakikinabang ka sa jueteng, bookies at tupada, kaya walang tigil ang operasyon nito sa iba’t ibang bahagi ng Batangas?

Kahit sa pagiging alkalde ng Lipa City ay malabo ring manalo si Luis dahil nga raw sa talamak na talamak na iligal na sugal.

Alam na alam nina Supt. Jireh Fidel at hepe nitong si Director Edwin Emi ang talamak na jueteng, bookies, at tupada sa Batangas.

Hindi naman pwedeng hindi makarating sa kanila ang dapat na makarating.

P50,000 PINASISINGIL NI DIR. VALMORIA

Itong si alyas ‘Greg’ ay palaging sibilyan ang suot dahil hindi naman niya kailangang nakauniporme ng pulis kung mangongolekta ng halagang P50,000 sa mga iligal sa Metro Manila tulad ng mga sugal at club na lantarang nagtitinda ng prostitusyon.

Ang lakas ng loob ni alyas Greg kahit sarhento lang ang ranggo. Kung makakikil ay umaabot ng P50,000 kada buwan dahil ang gamit niyang pangalan ay si Director Mel Valmoria, ang hepe ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO).

Agresibo ang operasyon ni alyas Greg sapagkat kailangan umano niyang makakolekta ng malaking halaga dahil malapit nang magretiro si Valmoria.

Totoo ba, Dir. Valmoria na inutusan mo itong alyas Greg na mangolekta para ‘yo?

ANAK NI ESPINO, KARAPAT-DAPAT BANG GOBERNADOR NG PANGASINAN?

Patapos na ang termino ni Gobernador Amado Espino, Jr. ngayong Hunyo 30, 2016. Babalik siya sa pagkakongresista bilang representante ng Distrito 6 ng lalawigan.

Ang ilalaban niya umano para gobernador ay si Bokal Amado “Pogi” Espino III.

Makakatapat ni Bokal Espino si dating Congressman Mark Cojuangco.

Ang tanong: Karapat-dapat na bang maging gobernador si Bokal Espino III, samantalang balitang-balita na siya umano ang pinakamahina sa mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan?

***
Bukas ang kolum na ito sa inyong paliwanag. Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271 o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>