Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUNG WALANG OFW

$
0
0

GINAHASA, pinatay, binitay, binugbog, binuhusan ng kumukulong tubig. Ilan lang iyan sa mga karanasan at nararanasan ngayon ng mga manggagawang Filipino o Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ibayong-dagat.

Ngunit sa kabila ng mga mararahas na karahasan laban sa ating mga OFW, hayun sila sa ibang bansa, patuloy na lumalaban mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang kanilang iniwan na pamilya rito sa Pilipinas.

Sa batayan ng ekonomiya ng bansa, ang sektor ng OFW ay katumbas ng isang poste ng bahay. Ibig-sabihn, isa sila sa nagpapatatag ng matibay na bahay. Taon-taon, nagpapadala sila ng halos US$30 bilyon. Ganyan kalaki ang kanilang kontribusyon sa ating ekonomiya kaya matatag tayo sa kabila ng mga krisis sa mundo.

Sa kabila ng lahat na iyan, bakit marami pa rin ang mahirap na buhay ng ating OFWs?

Marami ang mahigit sa 10 taon sa ibang bansa. Kailangan ba talagang magtagal bilang OFW? Wala bang magagawa ang lider ng gobyerno na bigyan sila ng trabaho rito mismo sa ating bansa?

Marahil ay napapanahon nang bigyan ng sapat na ayuda o tulong ang ating OFWs. ‘Yung kusa na tulong para sa kanilang matatag na buhay matapos ang mahabang panahon ng paninirahan at pagtatrabaho sa ibang bansa.

To me, it is unfair na ang OFW ay tumanda na lang sa ibang bansa na uuwi lang ng isang buwan para makita at mayakap ang kanyang pamilya.

Ang magandang asawa na ngayon ay puti na ang buhok. Ang mga anak na makukulit na hindi man lang nakalaro ngayon ay mga binata’t dalaga na. May ilan na nakapag-asawa na at lahat, OFW pa rin si Ina o Ama!

Masakit ito sa ating mga DAKILANG BAYANI. Kailangan gumawa ng paraan ang mga lider ng bansa. Kaya sila nagtatrabaho sa ibang bansa ay para mapalakas ang kabuhayan ng buong pamilya. Makabili ng bahay at lupa at sapat na pananalapi para tiyak ang kanilang bukas.

Sa totoo lang, kung wala ang OFWs at kanilang malaking kontribusyon sa pananalapi ng bansa, matagal na tayong lugmok. Ano kaya ang hitsura ng Pilipinas ngayon kung wala ang mga OFW?

Aminin natin. Iyan ang totoo. At sana, kung matino lang ang mga namumuno sa bansa natin, sana ay suklian sila ng katumbas na tulong sa kanilang kabuhayan.

Sana ay mabigyan sila ng ayuda sa pabahay. Edukasyon para sa pamilya, mga anak na iniwan. Pananagutan ito dapat ng estado! Dapat tapatan ng estado ang kanilang kontribusyon at kadakilaan.

Kung walang OFW, marahil ay burado na tayo sa mapa ng malusog na bansa. Sila, ang OFWs ang ating moog! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>