Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

P16-MILYONG LIBRO SA K-12, WINALDAS KAHIT OBSOLETE NA

$
0
0

MALAMANG na makalaboso si DepEd Sec. Armin Luistro sa kasong pagwaldas sa kaban ng bayan nang gastusin nito ang P16-milyong halaga ng libro na maituturing na raw na obsolete dahil ito’y para sa old curriculum.

Sa annual report ng Commission on Audit (COA) noong March 31 ay nagpa-imprenta raw ang DepEd ng may 16-milyong textbook na nagkakalahaga ng mahigit sa P608-milyon.

Sa report ng COA, ang 16,296,231 textbook na nagkakahalaga ng P608,712,658 ay hindi na akma sa curriculum para sa K-12. Nadeliber ang mga librong ito sa mga eskuwelahan para sa SY 2012-2013. Ang kwestiyunableng textbooks ay laan para sa Grades 1 at 2 pero ‘yung para sa Grades 7 at 8 obsolete ang mga libro.

Sa pahayag ni NPC Rep. Win Gatchalian, majority member ng House committees on Basic Education and Culture at Higher and Technical Education, hindi kailangan ng mga estudyante ang mga reference book na maiimbak lamang sa shelves ng library kundi ang mga textbook na maiuuwi ng mga estudyante at magamit sa kanilang mga classroom.

Ito ang ‘Matuwid na Daan’ sa DepEd. He..he..he..he..he.

PASUGALAN NI EDNA SI CONG. ANG PADRINO

Sa parte ng Solis sa may Tambunting St., Sta. Cruz, Manila ang sentro ng operasyon ng iligal na pa-lotteng, EZ2 at bookies ng karera ni Edna.

Malakas ang operasyon ng lotteng, EZ2 at bookies ng karera ni Edna sa Sta. Cruz, bukod sa ilang bahagi ng Tondo.

Walang ipinagmamalaki si Edna kundi malakas daw siya sa Manila Police District at wala siyang ipinanakot sa mga kapulisan kundi si 3rd District Cong. Naida Angpin.

Ano ang masasabi ninyo, congresswoman? Totoo ba ito? Kung hindi, bakit hindi ninyo ipahuli?

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES