Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO BA ANG PAKAY NILA?

$
0
0

BAKIT kaya tahimik itong mga makakaliwang kongresista sa ginagawang pambu-bully sa reclamation ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas samantalang halos bumula ang mga bibig ng mga ito sa kangangakngak kapag ang pinag-uusapan ay ang Balikatan exercise at ang pagtutulungan ng Amerika at ng Pilipinas? Hindi naman kayo masyadong nagpapahalata ano, mga sir?

Habang halos mapatid ang mga ugat sa kanilang mga lalamunan at ngala-ngala dahil sa kasisigaw ng mga slogan laban sa US ay para naman silang mga hindi pa napipisang bugok na itlog sa kanilang katahimikan ukol sa walang habas na pananakop ng China.

Napakaingay rin nitong mga militanteng grupo na ito na gaya ng Bayan, Gabriela at kung ano-ano pang grupo na pawang mga legal front ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army kapag ang usapin ay tungkol sa mga isyung pangkapaligiran. Maganda sana ‘yan ngunit bakit tahimik naman ang mga ito tungkol sa ginagawang “black sand” mining ng mga kumpanyang mula sa China, lalong-lalo na sa mga baybayin ng karagatan sa Zambales, Ilocos at Cagayan Valley?

Ngitngit na ngitngit ang mga ito sa ginagawang Balikatan exercises ng Amerika at ng Pinas ngunit tahimik naman ang mga ito kapag pumapatay ang mga NPA sa pamamagitan ng pag-ambush sa mga kagawad na pulis at militar. Naisip kaya nila na ang mga taong ito, eh, kalahi nila?

Ang mas masakit dito ay patuloy na pinopondohan ng taumbayan ang kanilang mga kilusan dahil sa kanilang pagkaluklok bilang kinatawan sa Kongreso. In short, ang bawat Juan at Juana dela Cruz ang gumagastos kapag nagra-rally ang mga ito sa ating mga lansangan na nagiging madalas na dahilan kung nagagambala ang gawain ng karamihan sa atin. Ang bawat tarpaulin at plakard na kanilang iwinawagayway ay nagmula sa buwis ng sambayanan maliban na lang kung may kontribusyon din sa kanila ang China.

Kung susuriin ang ating kasalukuyang kalagayan, tayo na lamang sa buong Asya ang may insurgency problem. Maging ang konsepto ng komunismo ay matagal nang nalusaw magmula noong yakapin ng mga komunistang bansa na gaya ng Russia, China at Vietnam ang konsepto ng kapitalismo at free-trade.

Ayon sa mga maka-kaliwa, ang ating problema sa insurhensya ay dulot ng kawalang hustisya, kahirapan at kawalan ng serbisyong pampahalaan sa ating mga kanayunan. Tama naman ito dahil madalas sa hindi ay napababayaan ng gobyerno ang ating mga kababayan sa kanayunan.

Ngunit madalas din sa hindi ay ang patuloy na panghihimasok at ginagawang karahasan ng mga rebeldeng grupo ang dahilan kung bakit hindi makapasok ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kanayunan.

Kung ang tunay na pakay ng mga grupong ito ay ang itaguyod ang kapakanan ng ating bayan, hindi ba’t mas mabuti sana na kung sa halip na manggulo ay akayin ang mangilan-ngilan nilang taga-suporta upang maisulong ang pag-unlad ng ating bansa?

Hindi kaya mas mabuti na sa halip na armasan ang kanilang mga tagasunod, eh, bigyan sila ng kakayahang magkaroon ng mabuti at maunlad na hanapbuhay?

Nagtatanong lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko makita at maisip ang dahilan kung bakit pumapayag naman ang ating pamahalaan at ang ilan sa ating mga kababayan na magpagamit sa kanila upang maisulong ang kanilang pansariling pakay.

***
Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestyon, mag e-mail lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>