Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DATING QCPD DIRECTOR NASA REGION 4-A NA

$
0
0

NGAYONG darating na Lunes ng umaga ay pormal nang isasalin kay Chief Supt. Richard A Albano ang pagiging Regional Director ng Region 4-A.

Bandang alas-9:00 ng umaga ngayong darating na Lunes, isasagawa ang turnover ceremony nina Gen. Albano at ang out-going Region 4-A Regional Director Chief Supt. Edwin E. Erni, na kapwa nagmula sa PMA Maharlika Class 84.

Naku ingat-ingat kayong mga criminal diyan sa Region 4-A dahil walang sinisino  itong si Gen. Albano, katulad ng ginawa niyang pagwalis sa mga criminal sa Quezon City.

Naging isang malaking hamon kay Albano ang pamumuno ng QCPD dahil 3-araw pa lang itong naging OIC ng QCPD ay inambus naman ang isang babaeng mayor ng Maconacon, Isabela at dahil sa galing at personal na pamumuno nitong si Gen. Albano, agad na naaresto ang nag silbing look-out makaraan ang halos apat na oras matapos ang nasabing pamamaslang.

Tinutukan ni Albano at ng QCPD ang nasabing krimen kung kaya sa loob ng isang linggo ay naaresto lahat ang mga suspek kabilang na rito ang gunman.

Marami pang sumunod na malalaking kaso rito kasama ang pag-aresto at pagkakumpiska sa kilo-kilong shabu.

Sa Quezon City kung saan ay naging OIC ng QCPD itong si Gen. Albano ay rito niya nasungkit ang kanyang “Estrella” kung kaya naging District Director siya ng QCPD.

Ngayon, dito Region 4-A ay inaasahang masusungkit ng magaling na Heneral ang kanyang 2 star general.

Sa loob ng 1 taon at 9 na buwang panunungkulan bilang District Director ng Quezon City Police District (QCPD) ay naipakita at naiparamdam nitong si Gen. Albano ang kahalagahan ng isang mahusay na lider sa mahigit na 4,000 pulis QC.

Malaking hamon sa kakayahan at galing nitong si Gen. Albano ang pagiging Regional Director ng Region 4-A, dahil alam naman natin na maraming krimen ang nagaganap dito, bukod pa sa napakaraming iligal na tulad ng pasugalan at paihi ng gasolina, krudo, bigas, asukal, semento at kung ano-ano pa.

Sinasabi ng ating mga katropa riyan sa Region 4-A na lahat daw ng Regional Director diyan sa nasabing lugar ay puro suplado at hindi marunong makisalamuha, lalo na sa mga taga media, kaya inaasahang sa pag-upo ni Gen. Albano rito ay mababago lahat ng pagtingin nila sa mga opisyal ng PNP.

Dito naman naiba itong si Gen. Albano. Siya ang isang opisyal ng PNP na masasabi nating hindi mahirap kausapin at higit sa lahat ay hindi marunong magtago sa mga taong pumupunta sa kanyang opisina kaya nga tinagurian siyang darling of the press noong siya pa ang QCPD District Director.

Sana sa pagkakatalaga kay Albano sa Region 4-A, ay matutukan at malutas din nito ang kaso ng pamamaslang sa ilan nating kasamahan sa hanapbuhay riyan sa kanyang area.

Oktubre ng 2014 nang palitan ng noo’y Sr. Supt. Joel Pagdilao, na ngayo’y isa nang Chief Supt. Ang isa sa kanyang idol na si Gen. Albano ay namalagi sa tanggapan ng PNP Chief sa Kampo Crame bago nabigyan ng panibagong assignment.

Mula sa pahayagang REMATE, Quezon City Police District Press Corps at Lily’s Files, binabati po namin ang bagong Regional Director ng Region 4-A na si Gen. Richard A. Albano.

Congratulations po, General, at more power. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>