ANO ba ito, halos buong baryo na ng Quilib, Rosario, Batangas ang naliligalig sa dumarami nang nagugumon na mga kabataan at kalalakihan sa pagsusugal dahil sa lantaran na operasyon ng JV Cockpit ng baklay (sakla) at iba pang sugal sa loob nito.
Halos araw-araw na ang operasyon ng kunwari ay sabungan sa loob ng JV Cockpit pero ang talamak ay pasakla (baklay), color game, pula’t puti at cara y cruz na minamantine nina Aling Mavic at ang mga protektor na sina dating pulis Sgt. Legarte, pulis na si Palicpic at dating konsehal Medina. Ang malupit pa rito ay purong mga naka-.45 caliber pa ang mga iligalistang ito.
Ewan ko kung bakit hindi kumikilos sina Batangas PD Supt. Jireh Omega Fidel at Rosario Mayor Manuel Alvarez para mapatigil ang talamak na operasyon ng pasugalan sa loob ng JV Cockpit.
Huwag na sanang hintayin pa nina pd at mayor na paghinalaan sila ng mga taga-Rosario, Batangas.
Aksyon lang, mayor at pd, ang kailangan at hindi ang tongpats sa sugalan na ‘yan.
Kumilos naman kayo, tengene n’yo. He..he..he..he.
VK COP NG MPD-PS10 MAGANDANG BUHAY
Sa PS-10 ng Manila Police District, isang pulis na nagngangalang PO1 Denisse Ramos ang may pinakamaraming video-karera na nakalatag sa buong sakop ng nasabing presinto.
Hindi nagagalaw ang mga vk ni PO1 Ramos sa Pandacan area at Sta. Ana dahil timbrado siya sa lahat ng unit ng kapulisan ng MPD.
Matagal nang nag-ooperate ang mga vk ni PO1 Ramos sa sakop ng PS-10 at halos sa mga VK na siya yumaman kaya ganon na lang ang magarbong life style ng buhay niya.
Alam kaya ni NCRPO chief Gen. Mel Valmoria ang mga kailigalan na inooperate ni PO1 Ramos?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
