HINDI na mapipigilan pa ang pagsakop ng imperyalistang China sa ating mga sakop na isla, ating teritoryo.
Sa bilis nilang kumilos, malamang bukas, sa kanila na rin ang buong isla ng Palawan. Posible ‘yan!
Kaya pa kayang pigilan ni G. Benigno Aquino III (BSA3) ang pagpapakita ng lakas ng China?
Mapatigil kaya niya ang pagsakop sa ating soberenyang teritoryo sa pamamagitan ng International Court of Justice (ICJ) at United Nations (UN)?
Ano nga ba ang magagawa ng isang mahina na lider ng bansa? Nganga at tunganga na lang ba?
Sa ilang pagkakataon, nariyan ang sumbong ng mga mangingisda natin na binomba ng tubig. Ginigirian ng malalaking barkong China ang bangka nila.
Mismong ang eroplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay sinisilaw, tinatakot ng flare guns ng mga tsekwa hindoropot!
May solusyon sa mga problema na ito kung gusto kumilos ni Aquino. Muli, kung gusto niyang kumilos para itama ang maling ugali ng China sa pananakop sa atin.
Lamang, wala sa utak ng Pangulo ang problemang ito. May tama, eh. May tamang diskresyon kung gusto!
Tayo naman mamamayan ay reaksyonaryo rin. Puro ingay at galit kontra China. Wala tayong magagawa laban sa bagong imperyalista kung puro ingay lang ang gagawin natin.
Sa pangunguna ng lider-gobyerno, pwedeng ipatigil ang pagpasok ng lahat na uri ng kanilang produkto sa ating bansa.
Tanggalin lahat ang kontrata nila sa gobyerno natin. Huwag tanggapin ang anomang alok na negosyo at pakikipagkaibigan sa kanila.
Huwag umasa sa ingay at pagkukunwari ng Amerika na tutulungan nila tayo sa lumalalang problema ng pang-aagaw sa ating mga teritoryo.
Traydor ang Amerika. Pahamak ang Amerika sa bansa at mamamayan.
Kung totoo na kaibigan o tagapagtanggol ng api na bansa ang Amerika, sana noon sinisimulan pa lang ang konstruksyon ng China sa ating mga isla ay hinarang na nila.
Hindi nila kayang gawin iyon dahil ang Amerika mismo ay baon sa utang ng trilyon-trilyon na dolyar sa singkit na imperyalista!
At tayong mga PINOY din naman, hanggang ingay na lang ba tayo?
Tandaan ang ginawa ng VIETNAM nang bombahin ng China ang kanilang barkong pangisda sa pinag-aagawang teritoryo sa Spratlys. Nakipaggitgitan sila sa laot.
Pag-uwi sa bansa nila, nag-organisa ng kilos protesta kontra China. Hindi tinigilan. Isinara ng mamamayang Vietnamese ang lahat na opisina, pakturya ng China. Sinunog nila bilang ganti sa kahayupan ng China.
Ngayon, kaya ba natin ang ginawa ng Vietnam?
Kaya ba natin magkasundo at magkaisa para supilin ang pang-aabuso sa atin ng China?
O sige, unang hakbang – huwag bumili kahit isang butones ng produktong China.
Magbuo ng malawak ng kilos-protesta kontra China at gayahin ang katapangan ng Vietnam.
O, puro ingay na lang ba ang PINOY? BALETODO/ED VERZOLA