ALAM talaga ng Malaysia na kung ang usapin ng tunay na pagmamay-ari sa Sabah ay roon pag-uusapan sa International Court of Justice (ICJ) o kaya ay sa United Nations (UN), tiyak na lalabas ang katotohanang sakop ito ng Pinas dahil “Sultanate of Sulu” ang tunay na may-ari!
Kaya ayaw nila!
Bago nga pala sumiklab itong gulo sa Sabah, ang Malaysia ang namamagitan sa “peacetalk” ng PNoy administration at MILF dahil gustong ipakita ng Malaysia na sila’y peace-loving country.
Pero nang magdeklara ng “tigil-putukan” si Sultan Kiram ay patuloy pa rin ang pagdanak ng dugo sa Sabah.
Dahil ayaw nila!
Nang pinuntahan nga pala sa Malaysia para kunin ng NBI ang hijo de putang “swindler” na si Arman Amalilio ay hindi natin ito nabitbit para harapin ang mga kaso sa Pilipinas at hanggang sa ngayon ay nananatili ito sa bansang Malaysia.
Dahil gusto nila!
Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng ating pamahalaan kung paano itu-turn-over sa Malaysia upang doon kasuhan at ikulong si Sultan Kiram, pagkatapos nitong harapin ang ating mga batas sa Pilipinas.
Pagkat gusto nila!
Ang katwiran nila noon sa kaso ng “swindler” na si Amalilio, walang “extradition treaty” ang Malaysia at Pilipinas. Ang palusot nila!
Pero rito sa usapin ni Sultan Kiram, kahit wala raw extradition treaty tayo sa kanila, dahil mayroon namang Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN) Mutual Legal Assistance Treaty, dapat ialay, isakripisyo o ibigay natin si Sultan
Kiram.
Tangna nila!
Ang hayop na Amalilio na nangulimbat sa pag-aari ng mga Pinoy ay ayaw ibigay sa atin ng Malaysia kahit wala man lang ligal na paliwanag ngunit si Sultan Kiram na ang tanging kaso ay gustong mabawi ang “ating pag-aari” na kinulimbat ng Malaysia ay tayo pa ang maghahanap ng ligal na dahilan para maibigay natin sa Malaysia?
Bakit hinahanap natin ang mga kasabwat umano ni Sultan Kiram sa pagbawi sa Sabah sa ating soberenya?
Bakit hindi natin inusisa kung sino ang mga kasabwat ni Amalilio kung bakit siya inaaruga ng Malaysia?
Tangna tayo!
Mahal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III, kitang-kita na ginagago na talaga tayo ng bansang Malaysia!
Sana po at sana lang ay huwag tayong magpagago!