Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CAN’T AFFORD BA?

$
0
0

SA usapan ngayon ng buwis, hindi maiiwasan na maging isyu rin kung ano na nga ba ang halaga ng piso ngayon.

Ano na ba ang mabibili natin sa halaga ng ating pera?

Sa mga debate tungkol sa income tax, kadikit ang debate ng tinatawag na purchasing power.

Na ang ibig ipunto ay kung ano na nga ang naaabot ng minimum income nating mga Pilipino ngayon.

Ang purchasing power ang maglalarawan ng estado ng buhay ng isang pamilyang Pinoy.

Kung noon, halimbawa, ang isang pamilya na kumikita ng P15,000 isang buwan ay maayos na ang buhay, ngayon ay halos hindi na ito magkasya lalo pa at nangungupahan at higit sa dalawa ang anak.

Dahil sa inflation, bumaba ang purchasing power ng mga Pinoy, hindi na nya nabibili ngayon ang mga basic needs na kung noon ay nabibili niya sa kanyang minimum na kita.

Mas mahal na ang mga bilihin, mas mababa na ang kakayahan ng tao na bumili ng mga kailangan sa araw-araw na buhay.

Kaya nakakuha talaga ng atensyon sa masa ang sinabi ni Congressman Sherwin Tugna ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC), na kung maiaayos daw ang tax income brackets para tumugma sa presyo ng mga bilihin ngayon ay tiyak “two birds with one stone” – una, mas magiging effective ang tax system natin at pangalawa, maaring maialis pa natin mula sa kahirapan ang marami nating mga kababayan.

Magiging effective na political strategy pa raw ito ng administrasyon ni PNoy.

Ilang ulit na nating nabanggit na sensitive talaga ang isyu ng tax collection, hamon talaga sa ating mga ahensiya kung ano ang perception ng tao tungkol sa buwis.

Pero sabi nga ng ilang suggestions din, panahon na raw para mabago at gawing mas effective ang tax brackets para ma-reflect nito ang purchasing power ng mga Pinoy ayon na rin sa ikinikilos ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ano sa palagay ninyo, mga kababayan ko?

o0o
Mag-email sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>